23rd🍁

3 1 0
                                    

Nakatulala lang ako sa lugar kung saan siya umalis. Iniisip kung saan ako nagkulang. Hindi kaya nakulangan siya ng oras sa akin? Ano bang meron sa babaeng yun at ipinagpalit ni Cedric ang relasyon namin sa kanya?

Ilang minuto na akong umiiyak dito. Napatingin ako sa paligid, may nga tao pang tumitingin sakin, nakakahiya pala!

Pinunasan ko ang mukha ko tsaka kinuha ang bulaklak. Tatayo na sana ako para umalis. Napaupo ulit ako sa gulat ng nasa harap ko si Miko.

"Putek!" Kung di ako sawi ngayon hahampasin ko talaga siya.

"Nakita ko ang nangyari..."

Umupo siya sa tabi ko, umiyak na naman ako dahil naalala ko ang nangyari. Siya na mismo ang nagpunas sa pisngi ko. Nakakahiya! Nakita niya pa pagmamakaawa ko kanina.

"Andito lang ako para sayo Magui...shhh tama na magiging okay den ang lahat!"

Niyakap ko agad siya, kailangan ko talaga ngayon ng kaibigan. Siguro tinadhana siya mapunta dito para may makausap ako. Para mabawasan ang sakit sa puso ko. Iyak lang ako ng iyak sa balikat niya. Hinahagod niya lang ako sa likod o kaya sa buhok. Bakit hindi na lang siya? Sana lalaki na lang siya! Sana una ko siya nakilala para siya na lang.

"Iniwan niya na ako, sobrang sakit."

"Shhh... iiyak mo lang yan. Sana kaya kong alisin lahat ng sakit sa puso mo."

Lalo ko siyang niyakap ng mahigpit, how I wish. Magiging okay pa ba ako? Kaya ko na ba na wala siya? Wish ko na lang ngayon, sana hindi ko siya nakilala.

Hanggang sa sasakyan ni Miko iyak pa den ako ng iyak. Binilhan niya pa ako ng Strawberry milkshake para raw sumaya ako. Kung effective yun bibili talaga ako isang gallon.

"Iniwan niya ako para sa ibang babae." Kwento ko habang nakatulala lang sa harapan, iniinom ang milkshake.

Pinark niya muna ang sasakyan malapit sa bahay, ayaw niyang makita ako ni kuya na ganito kaya hinayaan niya lang ako magkwento sa kanya.

"Sobrang sakit sis, hindi ko pa den maisip kung bakit niya nagawa yun. Kulang pa ata ako sa kanya, tss" ngumuwi ako tsaka ngumisi. Nababaliw na talaga ako!

"Sobra sobra ka na Magui! Wag mong isipin na nasayo ang problema." Napatingin ako kay Miko na seryosong pinapagaan ang loob ko. Napangiti ako sa sinabi niya.

"Okay lang ba humingi ng favor?"

"Anything you need."

"Samahan mo akong alamin kung sino yung babae niya. Kundi dahil sa kanya hindi kami magkakaganito ni Cedric."

"Huh? Baka kung anong mangyari sayo."

"Hindi naman ako mag eeskandalo, gusto ko lang malaman kung sino siya, kung maganda ba siya kaysa sakin."

"I doubt that! You're so beautiful."

Nagulat ako sa sinabi niya. Feeling ko namula ang pisngi ko.  Pafall talaga!

"Tsk, kung ganun ayaw ko ng maging maganda kung pinagpapalit lang den naman."

Hinawakan ko ang kamay niya na nasa manibela "basta tutulungan mo ako ha, alamin natin kung sino ung babae."

"O-okay kung ayun ang gusto mo."

Medyo naging okay den ako nung gabing yun. Hinatid ako ni Miko hanggang loob, di na nagtanong si kuya dahil si Miko na ang nagpaliwanag. Laki talaga ng tiwala ni kuya kay Miko.

Umiiyak lang ulit ako kapag naalala ung mga araw na masaya kami ni Cedric. I can't believe that were ex now.

Kinabukasan, wala kaming pasok dahil University Week. Ayoko pumunta sa school kaya dito na lang ako sa bahay.

If I Fell...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon