25th🍁

2 1 0
                                    

Dalawang linggong walang pasok dahil sembreak na namin. Mabuti naman dahil mamaya makita ko pa ang lalaking manloloko doon.

Sa Batangas nagbakasyon sila Paula, may rest house den kasi sila dun. Kami sa bahay lang dahil dito nakalibing ang lola't lolo namin.

Hindi ko pa den kinakausap si kuya at hindi yun napapansin nila mommy dahil kinakausap na ako ni kuya. Hindi ko alam kung pagpapakitang tao lang ba siya o wala na lang sa kanya ang nangyari.

Lalo lang akong nagalit sa kanya dahil sa sinabi niya kay Miko.

Kung dati halos buong tropa silang nag-iinuman dito sa bahay. Ngayon si kuya Greg na lang at Berna ang kasama ni Kuya, minsan sa akin pa sumasama si Berna.

Tulad ngayon, nasa dining kami. Siya nagmemake-up ako naman nagdadrawing lang sa stetchpad.

"Ano bang nangyari sissy? Magkaaway na den ba kayo ni Miko?"

Hindi pala nila alam kung bakit hindi na pumupunta dito si Miko kaya kinwento ko ang buong pangyayari sa kanya. Mas naiintindihan niya ang side ni kuya, dahil pinroprotektahan lang daw ako ni kuya.

"Mag-usap na kaya kayo ng kuya mo! Ang sungit lalo eh, broken na nga tas di mo pa pinapansin." Aniya.

"He deserve it! Manloloko siya!"

"Atleast diba, totoong nainlove kuya mo kay Kelly. Pagtapos kaya nilang mag-away never nang dumikit si Cyrill sa mga babae. Hindi tulad dati, pag nag-away siya ng girfriend niya noon, kinabukasan makikita mong may kasama na siyang ibang babae!"

Tss...napakababaero pala talaga ni kuya. Hindi ko tuloy alam kung maniniwala ako kay Bern o hindi eh. Tropa niya syempre si kuya at baka mamaya eme eme niya lang sinasabi niya.

"Buti na lang dun ka napunta sa bar kung saan kumakanta si Miko noh? Kung hindi, patay na!"

Napatigil ako sa pagdadrawing. Totoo pa lang si Miko ang kumakanta? Akala ko kasi lasing lang ako nun tapos dumating lang si Miko.

"Buti na nga lang talaga! Hindi ko na uulitin yun. Ang sakit sa pakiramdam. Akala ko makakalimot ako, lalo lang ako nasaktan paggising ko eh. Damn,  Hangover!"

Niligpit na ni Berna ang make-up tsaka siya lunapit sa akin. Nanghingi siya ng papel at nagdrawing na den siya sa tabi ko.

"Galit pa den ba si kuya kay Miko?" Tanong ko habang tinatapos na ang drawing ko.

Nakonsensya tuloy ako ng maisip na magtropa sila tapos dahil sakin nag-aaway sila.

"Ewan. Hindi na masyadong nagkwekwento si Cy, tignan mo nga sila sa labas," lumingon kami kung asan sila kuya "busy si Greg sa phone tapos yang kuya mo tulala lang. Ang boring! Kaya nga sayo ako sumama e!"

Hindi nawala ang tingin ko kay kuya. Naawa ako sa kalagayan niya. Kahit hindi ko pa den magawang intindihin ang side niya. Nasasaktan den ako kapag nasasaktan siya.

Kinabukasan, pinlano ko ng kausapin si kuya. Namimiss ko na siya. Halos isang buwan na akong walang kibo sa kanya.

Buti na lang nasa study room sila mommy at daddy, hindi nila malalaman na war kami ni kuya.

"Magui..." tawag sa akin ni kuya.

Nagdala ako ng juice at dalawang chichirya sa garden. Bawal alak eh. Ngumiti ako at umupo na sa tabi niya tsaka nilapag ang mga dala ko.

"Kamusta ka kuya?" Simula ko.

"Nakwento na sakin ni Berna ang nangyari sainyo ni Ate Kelly," dugtong ko ng maramdaman kong hirap siya sagutin ang una kong tanong.

If I Fell...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon