"Magui...nililigawan ka ba ni Miko?" Nagulat ako sa tanong ni kuya.
Ilang araw den bago ako kinausap ni kuya, umiwas na den ako sa mga tropa niya. Hindi nga kasama si kuya sa plano nila Miko.
"No..." maikli kong sagot.
Nasa dining table kaming dalawa ngayon, kumakaen.
"Umamin si Miko nung araw na umiyak ka. Nagpanggap siyang bakla para mapalapit sayo. May gusto ka ba kay Miko?"
Grabe naman mga tanungan ni kuya.
"Niloko ako nila Berna!" Ayun na lang sinabi ko para di masagot ang tanong niya.
"Una pa lang, hinarang ko na si Miko na mapalapit sayo. Feeling ko kasi may gusto siya sayo, kaya laking gulat ko nung araw na umamin siyang bakla. Hindi kami makapaniwala. Sabagay andaming lumalapit sa kanyang babae pero ni isa wala siyang pinansin!"
Hindi ko alam bakit sinasabi sakin to ni kuya. Nagpatulong ba ang dalawa kay kuya para mapatawad ko sila? I hope not.
"Bakit mo yan sinasabi sakin?"
"Wala lang, para maliwanagan ka den. Wala akong kinakampihan sainyo ha, in fact binugbog ko pa si Miko nung sinabi niyang liligawan ka niya"
"What the hell? Bakit mo yun ginawa, kuya?" Kahit galit ako sa dalawa ayoko naman masaktan sila noh.
"Eh hindi lang naman ikaw ang niloko niya eh, pati ako. Parang trinaydor niya ako."
Nalaman ko den na nag-away away silang magtotropa. Kaya si Ate Kelly na lang ang kasama ni kuya palagi sa school man pati sa tambayan nila.
Ilang araw ang lumipas, palaging pumupunta si Miko sa bahay, may dalang rosas pero hindi siya pinapapasok ni kuya. Si Berna naman chinchat lang ako. Siniseen ko lang.
"Magui, sorry sa lahat. Hindi ka namin niloko. Yung mga pinagsamahan natin totoo lahat yun. Sana maging okay tayo sissy"
Dahil hindi na pinapapasok si Miko sa bahay. Nagpapadeliver na lang siya everyweek ng favorite cake ko laging may notes na 'I'm so sorry, I love you'
Tinatanggap ko na lang ang mga yun kasi nakakahiya sa delivery driver kung hindi ko tatanggapin.
Nakwento ko den sa wakas ang mga nangyari kay Paula. I hope this time hindi niya ako saktan. Siya na lang ang nasasabihan ko ng problema ko.
"Hindi ka ba masaya fren? I mean totoong lalaki siya, tapos mahal ka den niya"
"Hindi ganun kadali yun Paula, yung nga oras na yun bawal ako kumausap ng lalaki. Parang lumabag tuloy ako sa rules ni kuya"
"Eh hindi mo naman alam na ganun eh, tsaka wag mo isipin ang past. Dapat focus ka sa present palagi, piliin mo kung saan ka sasaya ganun!"
"Dami mo nang alam ha!"
"Sagutin ko na kasi si Miko para may jowa ka na den hehe"
"Bakit? Nanliligaw ba siya?"
"Malay mo!" Nginuso niya ang direksyon sa bintana.
Nagulat ako nung andun si Miko sa labas nakasadal at may hawak na boquet. Anong pakana to?
Hindi ko siya pinansin, pinagkakaguluhan siya ng mga babae sa labas. Babaero!
Nagclass dissmiss na kami, hindi ko siya pinansin at sumunod lang sakin habang tinatawag ako.
"Huy kawawa naman frenny, sige ka iyak ka lalo pag naagaw yan!"
"Ang ingay mo!" Irita kong sabi kay Paula bago kami naghiwalay sa tapat ng gate.
"Magui... can we talk?"
BINABASA MO ANG
If I Fell...
Teen FictionMiko the boy next door. He had a thing for Magui, he pretend to be a gay so he could get close to her. Magui's forbidden to talk to boys because of his brother's rules! Will Miko make Magui fall for him? Or they will stay as a friend? ♡