35th🍁

5 0 0
                                    

Minsan na lang nakakasama sa amin si Berna. Hinayaan ko na lang kasi sabi ni Miko first time magkajowa kaya gusto niya full time siya sa jowa.

Araw araw paimprove ng paimprove naman ang panliligaw ni Miko.

Ngayon ipinaalam pa talaga ako kay kuya na siya na ang maghahatid sundo sakin. Ayoko sana kasi mas maikli ang sched niya kumpara sakin.

"Okay lang! Willing naman ako antayin ka!" Mabilis niya akong nilingon at kinindatan. Nahdadrive kasi siya papuntang school.

Agad na nag-init ang pisngi ko sa banat niya. Double meaning naman kasi!

Aba! Gusto pa ako ihatid sa classroom! Ang OA niya, sagutin kita diyan eh!

"Basta aantayin kita mamaya sa labas ng classroom mo" ngumiti siya bago umalis.

30 minutes bago matapos ang klase. Nakita ko na agad siya sa labas ng room. Hindi tuloy ako mapakali.

"Bakit hindi pa kayo ha?" Tanong ni Paula habang nililigpit ko ang gamit ko.

"Aayusin ko muna ang samin ni Cedric bago ko pa siya sagutin..."

"Sabagay! Para may closure kayo. Bagay na bagay talaga kayo ni Miko, frenny!" Kinikilig niyang sinabi.

Halos itulak pa ako ni Paula kay Miko pagkalabas namin.

"Sige na fren. Bye!" Bineso niya ako at nilingon si Miko. "Bye papa Miko!"

Pumunta na kami sa sasakyan niya. Pagbukas ko ng pinto may boquet na bumungad. Kinilig naman ako ng bongga!

Kinuha ko yun at pinatong sa hita ko pagkaupo ko. "Ikaw talaga may pag ganto pa?"

"Syempre nanliligaw nga eh" sabi niya tsaka pinaandar ang Ranger.

"Marunong ka pala manligaw? Ilan na ba naging girlfriend mo?"

"Isa lang."

"Si Jersey?"

Napalingon siya bigla sakin. Nagtataka siguro bakit ko alam.
Hindi siya sumagot. Syempre wala namang tanong dun!

"Okay ka lang?" Bigla kong tanong.

Baka kasi di siya komportable sa sinabi ko. Ang tagal kaya naming tahimik sa sasakyan niya.

"Okay lang. Ikaw? Okay ka lang?"

Seryoso siya sa tanong niya pero natawa ako. Napatingin na naman siya sakin tsaka ako kinunutan ng noo.

"Para kang baliw!" Sabi niya.

"Kasi naman cute mo eh. Nag aalala lang naman ako sayo kasi baka di ka okay sa pinag-usapan natin kanina!" Hindi ko pa den mapigilan ang hindi pagtawa.

"Ung sa ex ko? Bakit naman ako hindi magiging okay dun?"

Tumigil na ako sa pagtawa at tinitigan na lang siya. Sabagay, close na close pa den naman sila. Oo nga bakit hindi siya magiging okay dun?

Hindi na den kami nakapag-usap nang ibang topic dahil nasa bahay na ako. Pagpasok ko tsaka lang siya umalis.

Dala ko ang bulaklak at inaamoy amoy ko pa. Mabango yun pero mas bet ko amoy niya. Ang sweet niya talaga!

"Taray naman! May paboquet!" Inaasar na agad ako ni kuya pagpasok ko. Andun den sila mommy at daddy nagdidinner na.

"Kayo na ba ni Miko?" Tanong ni daddy nung bineso ko sila ni mommy.

"Hindi pa po, daddy."

Umupo na den ako sa hapag para kumaen. Nilapag ko sa tabi ko ang bulaklak at gamit ko.

If I Fell...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon