40th🍁

7 2 0
                                    

"Tara, kunin ko lang gamit ko"

Hindi na ako nakaangal nung hilain niya na kamay ko. Hindi na ba siya aalis?

Pumunta kami kung saan nakaupo si Jersey.

"Sey! Tinawag na ba ang flight mo?" Tanong ni Miko.

Hawak niya ang kamay ko at nakatayo kami sa harap ni Jersey kaya napangiti siya nang nakitang magkahawak kamay kami! Sarcastic ba yang ngiti niya?

"Hindi pa, may 30 minutes pa naman eh. Ano okay na kayo?" Tumayo na den si Jersey para makausap kami.

Napansin kong may tatlo siyang malaking maleta, di na ba siya babalik dito?

"Antayin ka na lang namin umalis." Sandaling sumulyap sa akin si Miko tapos kay Jersey ulit.

"Teka! Diba aalis ka den Miko? Nasaan ang mga gamit mo?"
Hinahanap ko ang gamit ni Miko pero parang wala siyang dala.

"Huh? Si Jersey ang aalis... hinatid ko lang siya kasi siya lang mag-isa!"

Pero ang sabi ni kuya diba aalis siya? Totoo ba'to?

Tumawa bigla si Jersey, "Plano namin yun ni Cyril. Ako ang nagsabi sa kanya na ihahatid mo ako kaya nga pinagstory kita ng boarding ko eh."

Hala!

"Kaya ba kayo magkayakap nung isang gabi dahil aalis ka? A-akala ko k-kasi nagkabalikan kayo!"

Naalala ko yung sinabi ko sa kanya. Shemay! Nakakahiya!

Natawa silang dalawa sa sinabi ko. Bakit ba ako napunta sa sitwasyon na'to? Parang pinagkakaisahan nila ako.

"Magtropa na lang kami noh, tsaka hindi totoo na crush ko pa den siya! Inaasar lang kita nun kasi halatang type mo tong tropa ko!" Tumawa lalo si Jersey at inakbayan si Miko. Tinanggal den niya den agad.

Hindi ko alam irereact ko sa mga sinasabi niya. Gusto ko siya saktan tsaka magpasalamat.

"Shit! I'm so sorry sa mga nasabi ko kanina! Sorry talaga!"

"Okay lang! Buti nga hindi mo ako sinabunutan eh! Atleast diba umamin ka na! Tsaka ito den kasing tropa ko patay na patay sayo!"

Pagkaalis ni Jersey, kay Miko na ako sumabay. Nalaman ko den kasi na umuwi na si kuya. Kaya pala hindi na sumunod! Pinlano talaga nila to! Well, thanks to them!

"Uuwi ka na ba?" Tanong ni Miko pagkasakay namin sa Ranger niya.

"Hmmm ikaw! Date tayo?" Namiss ko na siya, kasi naman ilang araw kami di nag-usap!

Tumawa siya tsaka lumingon sakin, "Lakas makaaya ah! Tayo na ba?"

"Tinanong mo na ba ulit ako ha?" Inirapan ko siya. Lakas na ulit niyang mang-asar.

Sumeryoso na ulit siya at nagfocus sa pagdadrive.

"Next time na tayo magdate, hatid na kita sainyo."

"Busy?" Nilingon na nanamn niya ako saglit.

"Not really..."

Malapit na kami sa bahay, nakita kong may nga nakapark na mga sasakyan.

"Andito tropa niyo?" Tanong ko kay Miko, pero bumaba na siya kaya hindi na ako nasagot.

Inantay niya ako kaya nauna akong pumasok, pagpasok ko una kong napansin ang mga letter na hawak nila kuya. May supresa sila sa amin.

'Will you be my girl?'

Sa akin pala...

Napatakip ako sa bibig ko sa gulat. May mga maple leaves na design tapos may petal ng roses ang nakakalat.

If I Fell...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon