15th🍁

2 1 0
                                    

Puro lang kami tawanan at kwentuhan minsan nakakasali ako sa usapan nila.

Pag di ko sila nagegets kumakain lang ako ng dala kong chichirya. Di ko trip pulutan nila eh. Dinalhan den ako ni kuya ng gatas! Gatas sa inuman? Nakakahiya tuloy.

"Huy sissy, ang sweet ng admirer mo ha! Binilhan ka talaga ng album ng Going South! Sana all" ani Berna

Tumingin ako kay Miko na nakatulala sa baso niya.

"Oo nga eh! Alam mo ba sobrang gwapo kaya niya!" Kinilig pako kunware para convincing lol.

"Eh pano ung jowa mo? Di ba nagalit dahil may admirer ka?" Bulong niya sakin syempre mahirap na nasa tapat lang ang possessive brother!

"Hahahaha baliw ka si kuya ang nagregalo sakin nun!"

"Weeeh? Akala ko naman kasi admirer, tss," lumingon siya kay Miko na tulala pa den. Lasing na ata "ung ibang admirer kasi diyan! Seloso!"

"Huh? sinong admirer?"

"Anong admirer pinag-uusapan niyo dyan?" Ayan na sumingit na si kuya.

"Waley! Pinag-uusapan lang namin ung admirer na naggift kay Magui ng Going South Album!" Sagot ni Berna

"Ahh ung gwapo! Maliit na bagay!" Pagyayabang ni kuya

"Huh? Sabi ni Magui di naman daw kagwapuhan! Diba Magui?" natawa ako sa pang-aasar ni Berna kasi alam naming pikon si kuya.

"Papampam ka Bernardo Batungbakal"

Asaran lang ng asaran ang dalawa hanggang awatin na ni Ate Kelly, baka daw kasi mamaya may magtaob na ng lamesa hahaha parehas pikon!

Nang nakabalik na sila Paula galing Batangas, nag-aya siya na magmall kami. Namiss ko na sila!

Sa greenbelt namin naisip na pumunta, hinatid pako ni kuya kasi may kikitain siya sa Pasay! About their project ata.

"Hi frenny! I miss you!" Nagbeso kami ni Paula nung nagkita.

Binigyan den niya ako ng gift, sobrang late na pero okay lang, pasalubong na den daw.

Kaming dalawa lang ang gumala ngayon dahil si Lia wala sa mood. Di ko ba alam dun parang di kami namimiss, eh dati nga nung andito pa si Alex siya pa nag-aaya.

"Talaga? Nakakagulat naman yun! Trip pa naman ni Alex yun! Hahaha"

Kinwento ko sa kanya ung about kay Miko, parehas na parehas kami ng reaksyon!

"Akala ko pa naman type ka nun! Tingin kasi ng tingin sayo yun dati! Tas ngayon sissy na tawagan niyo!"

"Lokaloka!" Umupo muna kami sa bench sa may parang garden, "pero minsan alam mo feeling ko lalaking lalaki pa den siya! Di siya tulad nila Alex at Berna na lantaran! Lalo sa pananamit"

"Hmp, baka naman nagpapanggap lang yan ha!" Pinanliitan niya ako ng mata na parang may something.

"Siraulo ka!"

Sinamahan ko siya magshopping, mamimili na den ako ng gamit sa next pasukan.

Excited girl? Isang buwan pa ang pasukan!

"Nakakausap mo pa ba si Lia?"
Tanong niya bigla ng pumasok kami sa botique ng puro pabango.

"Chat lang! Palagi siya wala sa mood! Minsan naman may sakit!"

"Ako den! Ano na bang nangyayare dun? Madalas tinotopak!"

Andami niyang napamili samantalang ako dalawang paperbag lang, no need to shopping naman na! Dami ko ng gamit!

If I Fell...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon