33rd🍁

5 0 0
                                    

Pagkagaling ko sa school. Nakita ko ang Ranger ni Miko, nakapark sa tapat. Teka ano ginagawa nila dito?

Naghalf run ako papasok sa bahay, paakyat ng kwarto. Buti na lang walang nakapansin. Agad ko silang sinilip sa bintana.

Apat lang pala sila andun, si kuya, Miko, Berna at Ate Kelly. Oo nga pala sabi ni kuya kakausapin niya si Miko, eh bakit kasama sila Berna?

Iniiwasan ko pa den sila pero si Miko patuloy pa den sa akong kinakausap. Madalas may dala pang bulaklak. Minsan nga gusto kong bumigay sa kanya, sabihin na mahal ko den siya kaso natatakot ako na baka masaktan ulit ako.

"Nagpaalam na sakin si Miko na liligawan ka daw niya." Napatingin agad ako kay kuya. Ngumisi lang siya nang makitang gulat ako.

"Pumayag ba ako?"

"Sungit mo naman! Hindi mo ba gusto si Miko? Okay naman siya ah!" Tumatawa tawa pa den siya.

Pag-uusapan ba namin ang pinag-usapan nila Miko nung isang araw?

"Edi ikaw na lang magpaligaw sa kanya!"

Sinundan ko siya ng tingin nang tumayo siya at kumuha ng tubig aa ref. Akala ko lalapit siya sa akin at kokomprotahin ako. "Suplada!" Sigaw niya sabay tingin sa akin.

Binaling ko ang atensyon ko sa ibang bagay. Hindi ko na siya pinansin kasi pagpinatulan ko si kuya lalo lang siya mang-aasar.

"Nga pala mamaya andito sila, buo ang tropa. Sama ka naman!"

"Ayoko nga!" Ma-OOP lang ako dun. Gusto ko sabibin pero wag na lang.

"Bakit? Hindi mo ba sila namimiss? Miss ka na daw nila Berna!"

"Madami akong gagawin kuya."

"Type mo siguro si Miko no?"

Tinignan ko ulit siya ng masama. Bakit parang feeling ko nirereto ako nito kay Miko?

"Hindi ah!"

Naisip ko na baka pinapaamin niya lang ako kaya niya ako inaasar. Hindi ko sasabihin sa kanya ang totoo at baka sabihin niya pa kay Miko.

"Edi kung hindi, edi sumama ka mamaya!"

Sa pangungulit ni kuya, um-oo na lang ako. Naiinis ako sa sarili ko. Nauto ako ni kuya na sumama sa kanila mamaya.

"Ang tahimik mo ata" halos bulong ni kuya Greg habang may hawak siyang basong may alak.

Katabi ko siya at sa kabila naman ay si Miko. Hindi ako kumikibo dahil ayokong kausap si Miko. Hindi ko nga alam kung paano ako napunta sa ganitong sitwasyon.

Medyo humarapa ako kay kuya Greg. "Hindi naman ako madldal ah"

"Naninibago lang ako. Palagi kita nakikitang maingay kaya..." nagkibit balikat siya na parang nagets na ang nangyayari.

Sasagot pa sana ako kaso kinalabit siya ng isa nilang kaibigan.

"Uy Greg paabot nga ng JD dyan sa tabi mo" sinundan ko ng tingin ang turo niya.

Napatingin ako sa gawi ni Miko, tahimik pa den tapos yung katabi niyang si Jersey, nakahawak sa hita niya habang may binubulong.

May naramdaman akong kirot sa puso ko. Umiwas agad ako ng tingin. Kinuha ko ang basong nasa harap ko at ininom yun baka sakaling makalimutan ang nakita. Nakakairita!

Tumingin ulit ako sa gawi nila,  nakasandal na siya sa balikat ni Miko. Tama ba ang nakikita ko? O lasing na agad ako? Ano? Sila na ba?

Umiling ako tsaka inubos ang bote ng alak na kalahati na lang. Agad akong nahilo sa ginawa, para akong nasusuka na hindi ko maintindihan.

If I Fell...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon