Miko_Navales: sissy! Sunduin ka na lang namin diyan ni Miko. Kasama mo ba bf mo? -GorgBerna
Chineck ko ang sarili sa salamin bago umupo sa sofa. Ready na'ko sa concert. Akala ko sa Araneta na lang kami magkikita. Buti na lang chinat ako ni Berna.
MjeanCordel: hindi ako ihahatid ni Cedric. Gate na lang ng village niyo ako antayin. Ingats!
Pagkasend nagmadali na ako umalis. Baka mamaya sundan pako ni kuya, magtaka pa yun kasama ko si Miko.
Nakita ko agad si Miko, nakasandal sa pinto ng Ranger niya. Nginitan niya ako kaya ngumiti na lang den ako. I'm not rude naman.
Pagbukas ko ng pinto sa likod nagulat ako nakahiga dun si Berna. Natutulog ata, nyemas bakit tulog 'to eh kachat ko lang siya kanina. Sa harap ako uupo?
"Ahh dito ka na lang sa harap! Di daw kasi nakatulog yang si Berna sa sobrang excited"
No choice kaya sa harap ako umupo. Di ba gigising yan si Berna? Ang awkward kasi!
"Kumaen ka na ba?" Biglang tanong ni Miko habang nagdadrive.
"Ahm... hindi pa nga eh, nagmamadali kasi ako umalis kanina" sagot ko.
"Sige drive-thru na lang tayo sa Mcdo." Ki-nnonect niya ang cellphone sa radio. Tumugtog bigla ang Barely Breathing ng Going South. Fan talaga siya!
Diko matiis na sabayan ang kanta, pero hininaan ko ng sobra kasi nakakahiya. Baka masabi pa niyang panget ng boses ko.
"Alam ba ni Cyrill na kasama mo kaming pupunta sa concert?"
"Ang alam niya lang si Berna ang kasama ko. Sasabihin mo ba kay kuya?" Sana hindi...
"Mas okay na di niya malaman. Baka di ka pa makarating sa concert" Natawa pa siya sa huli niyang sinabi. Wow! Nang-aasar?
Siya na ang nag-order para kay Berna. Aabot ko sana pera ko kaso tinanggihan niya. Ang galante naman pala!
"Sorry ha, sumama pa ko."
Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Nagpout pa siya, akala mo malungkot pero mukang tuwang tuwa. Kinunutan ko siya ng noo.
"Ano ka ba! Oks lang! Mas enjoy nga kapag kasama ka eh" sagot ko ng wala sa sarili.
"Huh?"
"Hmmm.... sabi ko mas enjoy pag madami tayo sa concert! Hehe" potek wala ba ako sa sarili ko? Bat ko yun sinabi?
Pagdating namin sa concert, tsaka lang nagising si Berna. Amp, di ba talaga siya natulog?
Unti pa lang ang tao, pero pumila na kami para medyo harap. VIP pa kinuha namin partida.
Nang makapasok na, una ako umupo tas paglingon ko si Miko ang katabi ko at si Berna dun sa tabi niya. Ano ba'to? Pwede bang dun ako sa kabilang side ni Berna? Lilipat sana ako kaso may dumadaan kaya di na ako nagpumilit. Hays!
"Wazzup Araneta?"
Tili na ako ng tili sabay talon nang lumabas na sila Wade. ANG GWAPO! SHET!
"Omaaaaaaygod! I LOVE YOU GOING SOUTH! GOING SOUTH! GOING SOUTH!"
Feeling ko mapapaos ako pagtapos nito. Tumingin ako sa kasama ko. Si Berna tili den ng tili, ito namang katabi ko nakangiti lang, ano? Kinikilig ba siya sa Going South? Hahahaha.
"WADESHA! WADESHA!"
Tumigil muna ako sa kakatili, I'm not a fan of WadeSha kasi. Ung loveteam ng vocalist na si Wade tsaka nung artistang si Shan.

BINABASA MO ANG
If I Fell...
Teen FictionMiko the boy next door. He had a thing for Magui, he pretend to be a gay so he could get close to her. Magui's forbidden to talk to boys because of his brother's rules! Will Miko make Magui fall for him? Or they will stay as a friend? ♡