31st🍁

3 0 0
                                    

Umiyak ako buong araw sa kwarto. Hindi pa den ako makapaniwala sa nalaman ko. Sa lahat ng tao, sila pa! Lahat na lang ng taong mahalaga sa akin sila pa ang nangloloko sa akin. Bakit? Anong nagawa ko para lokohin nila ako ng ganito?

Palagi kong inisiip kung gaano ako ka-swerte. Meron akong mga kaibigan na tulad nila. Mali pala! Dahil lahat sila niloko ako!

Wala akong ginaw kung hindi magmukmok sa bahay. Late pa ako nakapasok nung Lunes. Parang dejavu lang.

Hindi ko na alam kung sino pang pagkakatiwalaan ko sa kanila. Maski kay Paula hindi ko makwento ang nalaman. Nahihirapan na akong magtiwala sa kahit sino. Feeling ko lahat sila madali akong naloloko.

Tahimik lang ako buong klase. Hindi yun napapansin ni Pau dahil busy siya sa ginagawang project. Buti na lang den hindi ko pa nakasalubong sila Berna. Sana wag na talaga!

"Sis, sinabihan ko na si Lia para bukas. Sa Christea ba tayo?" Sandaling tumigil si Pau at nilingon ako.

"Ikaw bahala!" Sagot ko ng wala sa sarili. Nakatulala lang sa whiteboard.

Tumawa si Paula sabay tulak sa akin ng mahina. Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay.

"Ang tamlay naman frenny! May sakit ka ba? Gusto mo next time na lang natin siya kausapin?"

Umiling agad ako. "Okay na yung bukas!" Sabi ko tsaka inayos na ang mga gamit ko.

Sabay kami ni Paula palabas ng gate. Kasama niya si Lloyd na boyfriend niya. Tahimik lang  akong nasa gilid nila.

Pag-uwi ko sa bahay, nakahinga ako ng maluwag dahil wala yung sasakyan nila. Buti na lang wala sila dito. Ayoko na sila makita.

"Mags! May pinapabigay si Miko, nilagay ko na lang sa ref" salubong sakin ni kuya pagpasok ko. Dumeretcho ako sa ref para kumuha ng tubig at nakita ko dun ang sinasabing bigay ni Miko.

Strawberry Cheesecake! Ano 'to luho?

And for the first time hindi ako kumaen nun. Hindibko den ginalaw yun. Umakyat na agad  ako sa kwarto para magawa na ang mga assignment ko.

Sa gabing yun nahihirapan na naman ako matulog. Parang may kulang sa araw ko na hindi ko malaman. O baka ang dami lang bumabagabag sa utak ko.

After class ang napag-usapan naming kitaan nila Lia sa Christea. Hindi mapakali si Paula habang hinihintay si Lia. Hinawakan ko ang kamay niya para kumalma siya.

"Fren. Relax ka nga lang! Para ka kamong natatae!" Bahagya pa akong tumawa tapos siya inirapan ako sabay bawi sa kamay niyang hawak ko.

Napalingon kaming dalawa sa pinto nang pumasok si Lia. Siya lang mag-isa ang dumating.

Nilingon ko agad si Paula na galit na galit agad. Tumikhim ako tsaka bumaling kay Lia.

"Magui...I'm sorry" panimula niya.

Tumitig ako sa kanya at hindi nagsalita kahit si Paula ganun den. This time hahayaan ko siyang magpaliwanag.

"Nung nalate ako noon sa klase. Nalasing ako nung gabi nun, hindi ko alam na andun si Cedric. Nagulat na lang ako pagkagising ko... may nangyari na samin. Hindi ko alam Magui! I'm sorry. Hindi ko binalak ipaalam sa kanya...ayoko masaktan ka, tsaka alam kong playboy si Cedric nun kaya hindi ko pinaako sa kanya ang bata"

"Hindi playboy si Cedric nung kami, baka nangati ka lang..." mariin kong sinabi.

"Maniwala ka man o hindi. Playboy siya. Yung mga naririnig mo noon na chinachat sila ni Cedric, totoo yun Magui! Ayaw ko sabihin sayo kasi hindi ka den maniniwala at natakot ako na baka dahil dun masira ang friendhip naten."

If I Fell...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon