Lalong lumakas ang ulan. Pinunasan ko ang sarili, ayoko naman magkasakit no. Wasak na nga puso magkakasakit pa! Mali yun!
Habang nagpupunas nilingon niya ako. "Hindi ka pwede umuwi ng ganyan. Sandali lang."
Huminto kami sa 7/11. May bibilhin ata siya, tinitignan ko lang siya mula dito sa loob ng sasakyan niya. Ang daming lumilingon na babae sa kanya. Tss, hindi niyo alam pa-fall yan!
Paglabas ng 7/11 may dala na siyang kape. Binigay niya sa akin pagsakay niya. "Oh, inumin mo muna to!"
Pag-abot ko, bumaba ulit siya at pumunta sa likod. Pagbalik niya ulit may dala na siyang black tshirt.
"Suotin mo 'to para hindi ka magkasakit."
Bumaba ulit siya para ata makapagbihis ako.
Bakit ganun Lord? Kung gaano ako sinwerte sa mga kaibigan minalas naman sa jowa? Bawal bang equal na lang?
"Okay ka na?"
"Hm-m" tipid akong ngumiti sa kanya pero sinimangutan lang ako.
"Anong oras na, papagalitan ka niyan!"
Oo nga pala mahigit limang oras nang tapos ang klase ko pero di pa ako nakakauwi. Kinuha ko ang phone ko sa bag pero ayaw na mabuksan! Halos lahat den ng gamit ko basang basa. Shet naman oh!
"Oh itext mo na kuya mo, sabihin mo kasama mo ako!" Inabot niya sakin ang phone niya.
'Kuya sorry ginabi ako pasabi kela mommy pauwi na ako. Kasama ko po si Miko. -Mags'
Nilapag ko na ang phone niya sa gitna namin. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana.
"Bakit wala kang payong?" Tanong niya bigla. Kaya lumingon ako sa kanya.
"Hindi ako nagdadala ng payong dahil hindi kasya sa bag ko."
"Hindi ka ba nanunuod ng balita? Hindi mo alam na may bagyo? Dapat palagi kang may dala kahit hindi naulan!"
I can hear my kuya ah!
"Yes kuya!" Lalo siyang sumimangot dahil sa sinabi ko. Pikon!
Kinabahan ako nang nasa tapat na ako ng gate. Pagpasok ko tsaka na umalis si Miko.
"Saan kayo galing? At bakit basa ang pangbaba mo? Kay Miko ba yang shirt? Hay naku ka hindi ka man lang nagpapaalam ah. Buti na lang natulog ng maaga sila mommy at sinabi kong may ginagawa ka sa school kaya ako na nag-antay sayo!"
Sermon agad inabot ko kay kuya. Pero nagiguilty ako kasi pinag-alala ko siya.
"Sorry kuya, wala akong payong tinry ko magpatila pero lumakas kaya sinugod ko na lang para makauwi. Buti na lang nasalubong ako ni Miko."
Lumapit siya sa akin at pinitik ang tenga ko. Bahagya ko siyang sinapak sa braso. Ang sakit nun ah!
"Wag mo ng uulitin yun! Pinag-alala mo ako. Buti na lang nakita ka ni Miko."
Inabutan ako ng towel ni kuya at pinaakyat niya na para makapagbihis na ulit.
Nilabas ko lahat ng gamit ko para matuyo, sana mabasa ko pa ang mga notes ko huhu. Nilagay ko naman sa bigasan ang cellphone ko, sana gumana pa!
Ayoko ng umiyak ulit. Kaya pinilit ko matulog at di nag-isip ng kung ano-ano. Sana pag-gising ko limot ko na ang lahat para di na ako masaktan.
Gumising ako ng maaga para pumasok. Hindi pa tuyo ang bag ko kaya backpack na muna ang ginamit ko. Chineck ko ang phone ko pero di pa den nabubuksan.
"Kuya, may extra ka bang phone?"
Ano ba yan, bakit ngayon ko lang naisip kung kailan nasa byahe na kami papuntang school?
BINABASA MO ANG
If I Fell...
Teen FictionMiko the boy next door. He had a thing for Magui, he pretend to be a gay so he could get close to her. Magui's forbidden to talk to boys because of his brother's rules! Will Miko make Magui fall for him? Or they will stay as a friend? ♡