5th🍁

7 1 0
                                    

Pagtapos ko maghugas, nilipat ko sa malaking speaker ang pinapatugtog ko, mas maingay pa kasi tawanan nila sa labas kaysa sa soundtrip ko!

GandangAlexa: marupok ka fren! Bulaklak lang pala katapat mo haha

Magkachat kami ni Alex, pinag-uusapan namin kung paano kami nagbati ni Cedric. Saksi kasi sila kung gaano ako kabadtrip dahil di siya nagpakita sakin nung prom.

MjeanCordel: sino bang hindi kikiligin kapag may nagbigay sayo ng bulaklak?

Alexabeauty: ikaw na! Ikaw na binigyan! Landi!

Magtatype na sana ako ng reply nang nagchat ulit siya.

Alexabeauty: edi kinilig ka den pala kay Papa Miko kasi inabutan ka niya ng Rose?

Inexit ko kaagad ang IG kung san kami nagchachat, feeling ko may ibang nakakabasa! Naalala ko andito pala sila Miko.

MjeanCordel: baliw ka! Tropa ni kuya yun! Baka gusto mo ko mayare!

Matagal ako bago nakareply, pinatay ko na ang phone ko. Pinatay ko na den ung pinapatugtog ko at nanuod na lang ako sa TV ng practice ng Going South. Kahit ilang beses ko panuorin nakakaadik pa den sila!

"Omaaaaygod! Papa Wade!", bigla na namang sumulpot ung tropa ni kuya galing CR ata, ung biglang tumili noon! Siya na naman!

"Sorry ulit ha! Diko lang matiis pag naririnig ko boses nila"

Kilig na kilig pa den siya at nakatunganga lang sa tv, naka-tshirt siya na pangbabae at nakatokong na denim, di tulad noon na mag-aalangan ka pa kung bakla ba siya, nakaclip pa ang hair niya kaya halatang bakla nga! Daig pa niya si Alex!

"Ahh, gusto mo umupo ka dito?"

Nagulat den siya sa aya ko. Alam niyang pinagbabawalan ako ni kuya makipaglapit sa lalaki, pero di ko alam kung excempted ba siya. Bakla naman eh.

Ang tagal niya pa bago nakapagdesisyong umupo.

"Fan ka den pala ng Going South?" tanong ko.

Hindi matanggal kilig niya habang pinapanuod ang Going South. Naaalala ko tuloy si Alex sa kanya.

"Oo, pupunta nga ako sa 1st concert nila sa April eh, kaya lang wala akong kasama! Di kasi trip nila Cy ang Going South"

"Pupunta den kami ng kaibigan ko eh, gusto mo sama ka na lang samin?"

"Talaga? Omg! Sige sama ako sainyo!"

Sa pag-uusap namin hindi niya tinanggal ang tingin sa TV. Napangiti tuloy ako sa kanya.

Maya maya, naghahampasan na kami sa kilig nung mapanuod namin na naghubad sila Adam at Zac sa interview ni Boy Abunda!

Ang saya talaga pag may kasama kang nababaliw baliw sa idolo mo eh, parang feeling ko tuloy ang tagal na namin magkakilala!

Nagpaalam na si Berna nung tinawag na siya nung isa nilang tropa, napansin siguro nila na ang tagal nakabalik ni Berna. Umakyat na den ako sa kwarto ko para matulog.

"Pakilala mo sakin yang Berna na yan ha! Gusto ko siya makilala!"

Kinwento ko kay Alex si Berna, pati siya nagulat nung malaman na tropa siya ni kuya. Gusto niya daw maging tropa den si kuya kasi madami daw  papable.

"Sige! Minsan kasi mag-overnight ka naman samin!"

Dati kasi mag-aaya lang siya mag-overnight kapag alam niyang darating nga pinsan kong lalaki. Ang harot!

If I Fell...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon