10th🍁

4 0 0
                                    

"Bakit naman? Anong sasabihin nung kupal na yan ha!"

Narinig ko si kuya tawa ng tawa habang may kausap sa phone. Nasa dinning kami ni kuya, kumakaen ako ng snacks at si kuya naman nakaupo lang. Busy! Talking to someone.

"Seryosong usapin ata yan Berna ha! Kinakabahan tuloy ako sainyo......sige! Set na!......oo na nga! Sige natawag pa si babe.....sige bye!" Si Berna pala kausap kala ko yung babe niya.

"Babe kuno!" Sarcastic kong bulong sabay irap.

"Ano problema mo?"

"Wala! Ikaw may problema ka?"

"Tss..." aba inirapan den ako. Attitude brother!

Naburyo ako sa bahay, trip ko gumala kaya inaya ko si Cedric. Kinailangan ko pang magchat kanila Lia, nagchat kami kunwari na may lakad kami para payagan ako ni kuya. Safe!

Sa MOA na lang kami nagdate ni Cedric, ayaw kasi namin ng malayo baka trapik.

"Babe! Sorry na!"

Kumakain kami sa Pepper Lunch, napansin ko na medyo cold pa den siya. Feeling ko about pa den to sa nangyari.

"Huy babe!" Kinalabit ko pa siya sa braso para makuha atensyon niya, kanina pa siya tuliro.

"Huh! Ano ulit?"

"Okay ka lang ba? Kanina ka pa wala sa sarili!"

"Uhm okay lang ako. May problema lang, pero okay na yun." Ngumiti siya at pinagpatuloy ang pagkain.

Nang namasyal kami sa seaside, naging okay naman siya. Inaaya ko siyang sumakay sa rides na pambata, pero ayaw niya.

"Sige na! Pambata lang naman yan eh. Isang ride lang, kahit dun lang sa bumpcar." Hatak ko ang sleeves ng pull over niya.

"Ang kulit mo naman eh. Ikaw na lang kaya sumakay"

Ang moody naman ng isang 'to. Akala mo meron eh!

Ang ending, di kami sumakay. Napaka-kj talaga, kainis.

5 PM na kaya umuwi na lang kami, hinatid niya ako sa gate ng village. Naglakad ako papasok sa bahay namin. Mukang andito na naman tropa ni kuya. Dalawang sasakyan lang nakapark sa labas ng bahay. Kay Ate Kelly at Miko.

[I'm home na! Ingat ka ha, love you]

Nagtetext ako kay Cedric nang mapadaan ako sa sala tabi nung pinto kung saan kita ang garden.

Pagtingin ko sa kanila, napatingin den si Berna sakin, nginitian niya ako at kinindatan. Ngumiti lang den ako tsaka pumunta sa kwarto.

Sinilip ko na naman sila mula sa bintana, hindi pala sila nag-iinuman. Pero seryosong seryoso ulit sila. Palagi na lang sila madrama.

Cedrick:

Sorry babe. Medyo masakit lang ulo ko kanina. Babawi ako promise.

Nagtext lang kami magdamag ni Cedric. Nagpapaliwanag siya kung bakit siya ganun kanina sa date namin. Naiintindihan ko naman at sanay na ako kaya wala lang sa akin yun. Sa tagal niya magreply nakatulog na ako.

"Goodmorning mommy! Daddy!"

Pagbaba ko, nakain na sila mommy. Si kuya naman busy sa phone niya. Nakangiti pa habang nagtatype, kinikilig amp!

"Kain ka na dito Magui," sabi ni mommy kaya umupo na ako at si mommy pa nagsalin ng pagkain ko sa plato. Gusto ko sanang ako na lang kaso sasabihin na naman niya 'baby ka namin kaya kami na'.

Pinagbigyan ko na, isang buwan na lang at 18 na ako.

Pagtapos kumaen nagpunas ako ng lamesa. Si kuya naman ang naghuhugas ng plato.

If I Fell...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon