19th🍁

1 1 0
                                    

Medyo umiwas ako kay Miko pagtapos nun. Hindi ko talaga  maintindihan ang feeling ko sa kanya. Pero alam ko agad na di pwede! Bakla siya at may boyfriend ako kaya hindi talaga!
Baka magagalit den si kuya pag naging kami. What the heck? Anong magiging kami? Bakit  ganun naiisip ko? Agh!!!

Napasabunot ako sa sarili ko sa mga pinag-iisip ko. Nakakairita!

"Sissy? Oks ka lang?"

Napaayos ako nang marinig si Berna. Nilingon ko siya sa gulat ko. Buti wala si Miko.

"You don't look well. Anyare sis?" Umupo siya sa tabi ko.

Nasa library nga pala ako ng college, shit! Buti na lang si Berna lang nakakita sa akin.

"Wala sis! Medyo distracted lang" pinilit kong tumitig sa librong binabasa ko. Baka kasi mabasa ni Berna ang mararamdaman ko kapag tinitigan niya ako sa mata.

Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya, tropa niya si Miko umpisa pa lang so ang loyalty niya ay kay Miko talaga!

"Acads?"

"A guy!"

"What? Lalaki? Sinetch itey? Your jowabels?"

"Some guy na gumugulo sa isipan ko. Di mo yun kilala..."

Jusko! Baka matamaan naman ako ng kidlat ng wala sa oras.

"Hmmm... interesting huh!"

Hindi na ako kinulit ni Berna about dun. Nalaman ko den na kaya pala siya nasa library, may inii-stalk na lalaki ang bruha! Crush daw niya!

"Sasabay ka ba mamaya sa kuya mo?"

"Hindi eh, sinabi ko na may group project kami."

"Weh? Group project ba talaga?"

"Syempre matic na hindi! May date kami mamaya ni Cedric, shh ka lang kay kuya ha!"

"Sabi na eh! Safe ka sakin Sissy! Never ako nagsusumbong kay Cy!"

Paglabas namin ng library naghiwalay na kami ng lakad ni Berna. Syempre aalis na ko ng building nila.

Isa sa pinagkakatiwalaan ko si Berna, kahit alam kong loyal yan kay kuya, loyal den siya sa akin. Pero baka mas loyal siya kay Miko.

"San ka ba nakapark babe?"

Maaga kami pinalabas ng teacher kasi may meeting ang student council ng buong senior high kaya pinlano na lang namin ni Cedric na magdate sa mall. Medyo malayo ang mall mula sa school, ayaw ni Cedric sumakay sa tricycle kaya ayun sasakay kami sa SUV niya.

Hindi niya na nasagot dahil narating na namin ang sasakyan niya.

"Oh shit!"

Nagulat ako nung yumuko siya sa level ng gulong niya. Hala bakit flat?

"Sinong gumawa nito sa sasakyan ko? Potek naman oh!"
Naiinis niyang sinabi habang nakatitig sa gulong na akala mo masasagot siya ng gulong.

"Baka sumingaw lang yan?" Tinry ko lang siya pakalmahin.

Tumayo na siya at may tinawagan.

"May pako sa tabi at may butas ang gulong! May epal na gumawa nito!"

"Hello...asan si Hernan?...papuntahin mo siya dito sa school...Oo dalhin niya ung civic ni dad...antayin ko siya pakibilisan!"

Bumuntong hininga siya at hinilot ang pagitan ng kanyang mata. Lumapit ako sa kanya para hagurin ang likod niya. Badtrip na 'to!

"Magcomute na lang tayo Babe! Baka mamaya pa darating yun!"

"Hindi ko pwedeng iwan to. Kung gusto mo ikaw na lang mag-isa pumunta sa mall!"

If I Fell...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon