Three

169 83 20
                                    


Ashley POV


Nag-paalam na ako kay manager na uuwi na ako, kasi masyado ng gabi at baka nasa bahay na din si mama.


Lumabas ako sa building ng mga eight thirty six. Bukas na lang muna siguro ako gagala, tutal free day ko pa naman bukas. Well, tingin-tingin don ng mga bagong books noh!


While on my way, nakakita ako ng mga stall ng barbecue.


'Hmm.. Nakakamis naman ang street foods.'


Kaya naman ay ipinarada ko muna ang sasakyan ko malapit sa bentahan ng mga street foods.


Pagka-labas ko mula sa loob ng car ko ay nalanghap ko agad ang nakaka-takam na amoy ng mga ini-ihaw na barbecue.


Napangiti naman akong lumapit sa may malapit lang na nagtitinda.


"Good evening po ma'am. Mag-barbecue na po kayo, mura lang." alok sa akin nung ale na nag iihaw pa.


"Magkano ho ba manang?" magalang kong tanong.


"Tatlong piso lang yung ditong side at dito.. may sampu may kinse." sabay turo niya sa magkahiwalay na kanyang paninda.


Tumingkayad naman ako para tingnan ang mga paninda nung ale.


Nakita ko ang mga isaw-isaw, batok, dugo, at adidas.


Sa kabilang side naman ay nakita ko din ang ulo ng manok, karne, sausages, hotdog, may kwek-kwek din, kikiam and fish balls, itlog ng pugo, penoy, at balut.


'Uwaa! nakakatakam!'


Kumuha ako ng tatlong isaw, tatlong batok, isang jumbo hotdog at limang kwek-kwek na ini-init na.


"Ma'am upo muna po kayo doon, ihahatid na lang po namin yung binili niyo." giit ng ale. Tinuro niya ang kumpol ng mga lamesa at upuan na dumadami na rin ang mga tao.


Umupo naman ako sa may isang bakanteng upuan.


Pagkabukas ko ng bag ko ay nakarinig ako ng ilang bulungan.


"Diba si **** yan? Yung writer din sa wattpad?" chismosa number one.


"Siya ba yan?" tanong naman ng isa.


Nakita ko sa peripheral vision ko na medyo sumilip pa sa akin yung babaeng naka orange. Napangiti naman ako saka ipinatong sa ibabaw ng mesa ang nakasukbit ko pang laptop.


"Oo nga! Siya nga! Tara lapitan natin." nadinig kong yaya nung isa.


Mr. Tiktoker Vs. Ms. Wattpader [Completed ✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon