Ashveen POV
Nakaupo lang ako sa opisina ko habang nakatingin sa glass wall.
"Mr. Minho pinapatawag daw po kayo sa VIP room ng daddy niyo." wika ni Misie na kasa-kasama ko sa office ko.
Tumayo naman na ako saka humarap sa kanya.
"Okay.." tipid na sagot ko, saka nag-lakad na papuntang pinto. 'Alangan naman kasing sa bintana ako dadaan noh!'
Patakbo akong pumasok sa malapit na elevator saka sumakay.
Nakita ko si Virgon na nakasakay.
"Hi Veen. Saan ka pupunta?" tanong nito.
"Sa VIP room lang, pinapa-tawag kasi ako ni daddy." sagot ko sa kanya. Tumango naman siya saka hindi na ulit namansin.
Nang magbukas na ang pinto ay dali dali akong lumabas. Hindi na ako nagpaalam kay Virgon dahil nakalimutan ko.
Mabilis kong nahanap ang VIP room ni daddy saka pumasok na doon.
Pagpasok ko ay nakita ko ang isang lalaki na ka-edad lang ni daddy.
"Ashveen come here." tawag agad sa akin ni Daddy ng makita ako.
"Siya na ba ang anak na panganay nyo Lixel?" tanong nung lalaki kay Daddy habang nakatingin sa akin.
'Ano naman kayang meron?'
"Yes pare. Sit down there Asveen." ani daddy, kaya naman ay umupo na rin ako.
"By the way anak, this is your tito Steven Smith, kaibigan ko dati nung college." pakilala ni Daddy sa lalaki.
Nakipag shake hands naman ako saka ngumiti at tumango.
"Ang gwapo ng anak mo bro." wikang puri ni uncle Steven.
'Syempre, ako pa hahaha.'
"Mana sa akin kaya ganyan ka-gwapo." sumbat naman ni Daddy.
'Tsk! kay mama kaya ako nagmana sabi niya.'
"By the way bro? Diba sabi mo dito na rin magta-trabaho yung anak mo?" singit ni Daddy.
Nakinig lang naman ako sa kanila.
"Ahh, si Ashley ba kamo? Oo naman. Yun nga yung ipinunta ko dito sa pinas eh." Tugon naman nung lalaki.
BINABASA MO ANG
Mr. Tiktoker Vs. Ms. Wattpader [Completed ✔]
Non-FictionMr. Tiktoker Vs. Ms. Wattpader Don't you know that even though their world is different when it comes to social media but their content is the same? What would happen if one day they met their path by accident? Will there ever be a collision in thei...