Ashley POV
Iginala ko ang paningin ko to find him.
Napasimangot ako ng makita ko siya sa gilid ng baybayin at nakangiting nakatingin sa akin. There was a tiny bonfire in his front.
Inirapan ko siya saka tinalikuran para kunin ang phone ko sa loob.
'Aish! Nakakainis naman kasi eh!'
Nang makuha ko na ay muli akong bumalik sa labas.
Lumapit ako sa kanya para makisalo din sa bonfire na ginawa nito.
"Are you seducing me?" anito ng maka-lapit na ako sa kanya.
"Damn you! I'm not seducing you!" iritang wika ko saka binigyan ko siya ng masamang tingin.
"So, bakit ganyan yang suot mo?" kunot-noo na tanong nito.
"Wala na akong ibang damit kaya ito na lang!" pahayag ko.
"Ows? Sabihin mo, gusto mo lang akong i-seduce kaya ganyan." bulyaw nito.
Napukaw naman ang atensyon ko dahil sa nakita kong pocket wifi sa tabi niya.
"Oy, wag mo naman akong hubaran sa tingin mo!" pang asar nito.
"Pa-connect ako." saad ko.
"Pa-connect ng alin?" makahulugang tanong nito.
Tinuro ko naman ang pocket wifi sa kanyang tabi gamit ang aking labi.
"Oh, bakit junior ko tinuturo mo?" wika nito na tinakpan pa gamit ang kanyang dalawang palad.
"Hindi yan! Sa pocket wifi mo." iritang bulyaw ko.
"Tsk! Bawal, baka humina yung signal." singhal nito.
"Hmp! Ang damot! Wag na nga!" asik ko.
'Aish! Kailangan kong maki-connect! Ang hina pa naman ng signal dito.'
"Huy, sige na kasi. Pa-connect ako." pamimilit ko.
"Utot mo! Kiss muna." giit niya.
"Ulol! Kiss mo mukha mo." asik ko "Pa-connect na kasi. Ang damot nito, samantalang pina-connect ko naman siya ng wifi sa bahay!" inis kong dagdag.
BINABASA MO ANG
Mr. Tiktoker Vs. Ms. Wattpader [Completed ✔]
Non-FictionMr. Tiktoker Vs. Ms. Wattpader Don't you know that even though their world is different when it comes to social media but their content is the same? What would happen if one day they met their path by accident? Will there ever be a collision in thei...