Ashpeen POV
Pagkarating namin sa next subject namin ay sa likod na ako umupo.
Hindi pa nag sisimula ang klase kaya naman ay nag-set muna ako sa phone ko para mag tiktok.
'May bagong video si kuya. Bwahaha!'
Pinanood lo muna yun pero mahina lang ang music. 'Ang galing talagang sumayaw ni kuya kahit tsonggo na. Mwahaha!'
"Mr. Minho? Are you listening?"
Nag-angat naman ako ng tingin kay Ma'am.
"Y-Yes M--".. "No Ma'am! Nagti-tik tok po siya." sabad naman ni Migie na katabi ko.
'What the fvck! Tang*na!'
"Give me your phone!" ani Ma'am saka mabilis na lumapit sa akin at inilahad ang kanyang palad.
'No! The heck this Migie!'
Hindi ko pa rin inabot sa kanya ang phone ko, dahil nagdadalawang isip pa ako kung ibibigay ko talaga o hindi.
"One!" may pagbabanta sa tono ni Ma'am.
"Per--".."Two!" saad pa nito.
Kaya naman ay binigay ko na ang phone ko.
"Bring your parents tomorrow!" galit na wika ni Ma'am.
'Naku lagot!'
"Sa guidance." pahabol pa nito bago siya tuluyang tumalikod.
'No way! Lagot ako nito kay Mom at Dad!'
"Buti nga.." nadinig kong mahinang bulyaw ng katabi kong si Migie.
'Tsk! Bwisit itong babaeng 'to kahit kailan!'
"Sumbungero!" asik ko naman.
"Ma'am oh may sinasabi po si Ashpeen!" sigaw naman ni Migie.
Napaharap naman si Ma'am sa amin at binigyan ako ng masamang tingin.
Kabado naman akong umiling iling sa kanya.
"Story maker!" bulong ko pa. 'Kainis kasi eh!'
Muli naman ng nagpatuloy si Ma'am sa hindi ko man lang namalayan na discussion.
BINABASA MO ANG
Mr. Tiktoker Vs. Ms. Wattpader [Completed ✔]
Non-FictionMr. Tiktoker Vs. Ms. Wattpader Don't you know that even though their world is different when it comes to social media but their content is the same? What would happen if one day they met their path by accident? Will there ever be a collision in thei...