Thirty Six

91 51 1
                                    



Ashley POV


Pagkarating ko sa tapat office ni tita Lixel ay pinapasok na ako nung secretary niya.


"Good morning po Mommy." magalang kong bati kahit inis na inis na kanina.


"Upo ka hija at may pag uusapan tayo." mahinahong wika naman nito.


'Ano kayang pag uusapan namin? Siguro ika-cancel na ang wedding hahaha. Edi maganda.'


Umupo naman na ako sa upuan na nasa tapat ng desk ni Tita.


"Ano po yun Mommy?" 'Tita pag sa isip, Mommy pag nagsalita hahaha. Hayaan na lang. Tss.'


"Diba birthday ngayon ni Ashveen? So, pag uusapan natin ang secret celebration party ni Ashveen mamaya." nakangiting paliwanag nito.


'Ahy, akala ko cancel na yung kasal namin hahaha.'


"Uhmm, ano po bang plano niyo?" mahinahong tanong ko.


'Hays, bakit kasi di na lang imi-message sa akin eh. Nga pala, nag start na akong basahin ang hell university. Dahil hindi pa naman completed ang some story ni ate maxinejiji ay syempre another story muna. And, hahaha. Tapos ko na pala ang sinusulat ko kaya read read muna ako.'


"Gusto ko kasi after ng party mamaya eh, pwede bang, kung okay lang sayo na may romantic date na gaganapin na dalawa lang kayo. Wala na kasi akong alam na pwedeng iregalo doon sa lalaking yun." natawa niya na sagot.


'Dapat tita ang i-regalo niyo sa kanya ay cerelac hahaha. Tapos malaking crib.'


"S-Sige po Mommy. Payag po ako." 'Sabi kasi ni Mama at Papa na ayaw daw ni Tita Lixel ng nadi-disappoint, baka daw kasi mapanaginipan niya pa. Loko talaga ang mga parents ko.


Napangiti naman si Tita.


"But, three days kayo doon. Pumayag ka na ah. Salamat sa pagpayag mo." masayang wika nito.


Ako naman ay tila pinag-bagsakan ng araw at buwan, ng mars at jupiter sa sinabi ni Tita na three days daw ang romantic date namin.


'Feel ko na, na hindi yun romantic date! Kakawawain ko yung lalaking yun kahit birthday pa niya! Mwahaha.'


Napangiti naman ako ng matamis kay Tita saka tumango.


"Okay na po ba Mommy? May pinapagawa pa po kasi sa akin si Ashveen eh. Sabi niya po wag na muna daw po akong mag lunch, tapusin ko muna daw po yung trabaho ko." sumbong ko kay Tita.


'Pano ba naman kasi yung lalaki na yun! Imbes na ang part work niya ang trabahuhin ay babae niya ang inaatupag niya! Hindi ako naiinis kanina dahil sa nakita ko. Tss. Wala akong paki-alam sa kanila.'

Mr. Tiktoker Vs. Ms. Wattpader [Completed ✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon