Sixteen

122 61 7
                                    



Ashveen POV



Iniwan na kami ni kuya Ringer dito sa loob.


Tiningnan ko naman si Ashley na padabog na nag aayos ng kanyang gamit.


Paakk!*


Nagulat naman ako sa bigla nitong pag hampas ni Ashley ng lamesa.


"Oh! Anong pang tini-tingin mo dyan?!" biglang giit nito.


"W-Wala.. tinitingnan ko lang naman yung m--".. "Go to hell!" sigaw nito saka biglang tumayo.


At ang huli ko na lang na nadinig ay ang malakas na pag sara ng pinto.


"Sungit!" bulong ko sa sarili ko, saka sumunod na sa kanya.


Pagkarating ko sa harap ng car ko ay nakita ko na agad ang mukha ni Ashley na nanga-ngalaiti sa galit.


"Bakit ba kasi tingin ka ng tingin?! Bwisit!" irita nitong wika.


'Mainis nga itong isang 'to. Mwahaha!'


Dahil nasa kabilang side naman siya habang nag ce-cellphone at ako naman sa kabila din habang papalapit sa sasakyan.


Sumandal ako paharap sa pinto ng driver seat saka nakangiting tumitig sa kanya.


"Ang ganda mo pala kapag nakasimangot ka." malamyos kong wika.


Napatingin naman siya sa akin na tila gulat na gulat.


"Hehe.. Peace." giit ko naman na nag peace sign pa sa kanya ng biglang niya na lang akong bigyan ng nakakamatay na tingin.


"Go to hell!! At pwede ba! Stop starring at me! Fvck! Can you please open this door!" sigaw nito.


Napansin ko namang napatingin pa ang ibang nag dadaanan sa paligid namin.


"LQ ba sila? Ang cute naman nilang mag away.." nadinig kong bulong ng isang babae.


Napangiti naman ako mula doon.


Pinindot ko naman na ang remote na hawak ko para mag open na ang car.


"Pasok na babe.." biro ko naman sa kanya.


Gigil naman siyang pumasok at sumakay sa back seat ng padabog.


"Bakit diyan ka? Dito ka! Ano ako?! Driver mo?" 'Buti sana kung apat ang nakasakay, pwede!'

Mr. Tiktoker Vs. Ms. Wattpader [Completed ✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon