Seventeen

97 57 5
                                    


Ashpeen POV


Ring* Ring* Ring* Ring*


Dahil ako ang nasa malapit na telephone cable ay syempre ako na ang sumagot.


"Hello, this is Ashpeen Minho.. How may I help you?" sagot ko sa telepono.


"Gag* kuya mo 'to!" saot naman ng nasa kabilang linya.


'Talagang minura pa ako ah. Ang ganda nga ng pag we-welcome ko eh! Tch!'


"Oh, bakit po kayo napatawag kuya?" tanong ko.


"Nandyan na ba sila Mommy?" ganting tanong nito.


"Nasa kwarto. Bakit?" takanang tanong ko naman.


"Can you please call her.. may sasabihin lang ako." giit nito.


"Okay, sandali lang." ibinaba ko naman ko na muna sandali ang linya. Saka patakbong umakyat papunta sa tapat ng kwarto ni Mommy.


Tok* Tok*


"Mom? Tumatawag po si kuya! Hinahanap kayo!" sigaw ko sabay ang pag katok ko sa pinto nila.


"Sandali lang Peen! Nagbibihis lang ako.. sabihin mo sandali lang!" sigaw naman ni Mommy.


Muli naman akong tumakbo pababa ulit sa sala.


Muli kong itinaas ang telepono..


"Kuya sandali lang daw muna.." giit ko.


"Okay, I'll wait.." sagot nito.


Binaba ko naman na ang telepono saka muling bumalik sa couch at itinuloy ko na ang pag ti-tiktok ko.


"Ma-try nga itong Intentions.." bulong ko saka kinuha ang video.


Pinanood ko naman na muna kung pano yun sayawin.


"Ashpeen nasan na.?" dinig kong tanong ni Mom na sa pagkakaalam ko ay pababa na ng hagdan.


"Dyan po Mom sa telephone.." tugon ko naman.


'Ayun na, ang ganda.. ito na lang!'


Inayos ko naman na ang phone ko saka isi-net na ang phone sound.


'One, two, three..'


I start to dance.

Mr. Tiktoker Vs. Ms. Wattpader [Completed ✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon