Twenty Three

95 56 3
                                    



Listen to the music...


Ashpeen POV


Dahil hindi na ako isinama nina Dad sa sinabi nila kahapon ay nandito lang ako sa bahay.


'Omo! Nakailang tiktok na nga ba ako ngayong araw?'


I check it on my tiktok draft. 'Wow! Pang sixteen na 'to. Hahaha. Ma-share nga itong lima.'


Naglagay muna ako ng mga tags before i-post.


Tok* Tok* Tok*


"Sir Ashpeen may naghahanap po sa inyo nasa labas po."


'Hanuba naman yan! Bakit ba kasi sir Ashpeen yung tawag nila sa akin? Eh hindi naman ako sir. Pwede naman nila akong tawaging Ashpeen or Peen. Tsk!'


"Sino daw po?" tanong ko ng medyo may kalakasan.


"Ano po?" ganting tanong naman nito.


Napakamot naman ako sa ulo ko ng maalala kong pina-sound proof na pala nila Mom itong kwarto ko.


Tumayo na ako at mabilis na tinungo ang pinto.


Pagkabukas ko ng pinto ay tumambad agad sa akin si Yaya Isha na naka-ngiti.


"Sino daw po?" tanong ko naman sa kanya.


"Raquel daw po yung pangalan." sagot naman nito.


Nanlaki naman ang mga mata ko ng marinig ko ang pangalan ni Raquel.


"Okay lang po ba kayo?"


Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Yaya dahil sa biglang pagka-speechless ko.


Tumango lang naman ako sa kanya "P-Papasukin ni-niyo na, pakisabi h-hintayin na lang ako sa sala." giit ko sabay talikod sa kanya.


"Masusunod po." sagot nito at umalis na din.


'Bakit ganito na lang yung pintig ng puso ko nung marinig ko ang pangalan niya ulit?'


Napa-iling na lang ako at sandaling nagpalit ng damit.


'Raquel Santo Shumiko is her full name. Her means babae. Pero may pusong lalaki, maganda naman siya eh. Gusto ko nga sanang ligawan kaso ganun naman siya. Sana naman isang araw ay mawala na yung pagka-boyish niya. Ayaw ko naman mag confess sa kanya, kasi baka mamaya hindi niya na lang ako pansinin bigla. Tch!'

Mr. Tiktoker Vs. Ms. Wattpader [Completed ✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon