Ashveen POV
Natagalan pa kami ni Ashley sa loob ng bathroom. 'Badtrip! Nabitin ako! Tsk!'
Tinawagan pa namin sila Mommy para ibalik na ang mga damit namin. 'Nakakainis talaga sila, pati gamit namin itatago pa. Tsk!'
Peep!* Peep!*
"Ikaw ng magbukas." ani Ashley na nakatapis lang ng bathrobe.
Napatayo naman ako saka madaling lumabas ng kwarto.
Peep!* Peep!*
"Aish! Tang*na! Hindi ako bingi!" sigaw ko at patakbo na lumabas sa pinto ng bahay.
Tumakbo ako papunta sa pindutan ng gate's pin code para magbukas iyon.
Nang magbukas na ay pumasok ang puting van at natanaw ko ang driver ni Mommy.
Bumaba na siya "Paki pasok na lang po sa sala, manong." saad ko. Napatango naman siya saka binitbit na ang mga gamit namin na tinangay kahapon ni Mommy.
Pumasok naman na ako sa loob. Nahagip ng mga mata ko ang malaking bag. 'Naalala ko 'to ah.'
Flashback
Naglalaro kami ni Daddy ng tagu-taguan kasama si Ashpeen. "Dad! Hanapin mo kami." sigaw ni Ashpeen na kasama kong nagtatago sa loob ng malaking bag.
End of Flashback
'Hindi ko talaga yung inaasahan na kakasya kami doon ni Ashpeen. And buhay pa pala itong maleta na 'to? Hahaha. Cool!'
Binuksan ko iyon at kumuha ng damit 'Pati hanger kinuha. Tsk!'
Kumuha ako ng damit panlakad namin ni Ashley. 'Tutal sa presinto lang naman wag na yung sosyalin. Magti-tiktok na naman ako mamaya mwahaha.'
Nang makakuha na ako ay dali dali ko iyong iniakyat sa taas patungo sa kwarto namin ni Ashley.
Inabutan ko siya na nakaharap sa salamin at nagsusuklay ng kanyang mahabang buhok.
"Bihis ka na." pag agaw ko sa atensyon niya.
Napabaling naman siya ng tingin sa akin saka tumingin sa inilapag kong damit niya sa ibabaw ng kama.
Pinili ko talaga ang susuotin namin. Sa akin ay ang tiktok shirt na nabili ko sa lazada and sa kanya naman ay shirt na may logo ng wattpad, hindi ko alam kung saan niya iyon nabili.
BINABASA MO ANG
Mr. Tiktoker Vs. Ms. Wattpader [Completed ✔]
Non-FictionMr. Tiktoker Vs. Ms. Wattpader Don't you know that even though their world is different when it comes to social media but their content is the same? What would happen if one day they met their path by accident? Will there ever be a collision in thei...