Thirty One

94 53 0
                                    


Ashveen POV


Were here at dinning table habang ako ay gumagawa ng moves kay Ashley.


'Nakakainis kasi sila tita at tito eh. Pinipilit na nila ako na gumawa ng apo nila. Tch! Kailangan ko munang tapusin yung contract namin ni Ashley bago yun.'


Dumating naman na si kuya Ringer kasama ang girlfriend niya.


"Ang tagal niyo yata?" may pang-tukso at makahulugang wika ng Mom nung girlfriend ni kuya Ringer.


Nagtaas-baba naman ang kilay ni kuya Ringer na ikinatawa namin.


"Easy lang Ringer baka maunahan mo pa ako." giit naman nung kaninang nagpakilalang Cyclope.


"Kuya!" may kalakasan na wika nung babae.


'Ano na nga ba yung name niya? I forgot.'


"Oh, hala. Tama na ang asaran, upo na kayong dalawa para ma-start na natin ang dinner. May meeting pa sila kumare." pang iiba naman ng usapan ni tita-Mama.


'Mama na din daw kasi ang itawag ko sa kanya.'


"Haha, ano ka ba mare okay lang. Tingnan mo oh.." giit nito na ibinulong na lang ang kanyang sinabi.


Bumulong din naman ako kay Ashley "Ano na nga ba yung pangalan nung girlfriend ni kuya Ringer?" bulong ko.


Kunot noo niya naman akong tiningnan saka bumulong.


"Alexeu" pabulong niyang sambit.


"Oh kayo dyan, mamaya na yang bulungan niyo dyan. Kumain na kayo." wika naman ni tito-Papa.


Nagkibit balikat naman si Ashley at aakmang kukuha na ng kanin ngnit pinigilan ko.


'I need to do this.'


Ako na ang nag sandok para sa kanya ng kanin.


Dinamihan ko na iyon.


Napa-sulyap ako sa kanya at nakita ko ang nanlalaki nitong mga mata habang nakatingin sa nilagay kong kanin nito at ulam.


"Ang sweet naman." nadinig kong bulong ni kuya Ringer sa akin. 'Tabi kasi kami. Syempre, kailangan ito for the deal.'


Napangiti lang ako kay kuya.


"What the fvck!" mahinang sambit ni Ashley.


And after that ay binalik ko ang kamay kong naka hawak sa legs niya. 'Tatan! Gawa na ng moves. Hindi naman nila nakikita eh.'

Mr. Tiktoker Vs. Ms. Wattpader [Completed ✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon