Fifty Two

64 44 2
                                    


Ashley POV


Hapon na at uwian na namin ni Ashveen. Naalala ko na dadaanan ko pa ang libro ko kay Manager sa opisina niya.


"Ako na lang kasi Ashveen. Mauna ka na sa bahay. May dadaanan pa ako." Pamimilit ko.


'Nakakainis eh! Gusto niya kasi na magkasama na lang kaming uuwi. Paano naman itong sasakyan ko?'


"Basta, sabay tayo. Hindi pwede yung sinasabi mo! Kanina nga hindi ka na sumabay sa akin. Tapos ngayon hindi na naman? Pupuntahan mo na naman siguro yung gag*ng Kadler na yun noh!" pagrereklamo nito.


'Ang OA naman neto! Parang dadaanan lang yung book ko eh! Tsk!'


"Hindi ko dadaanan si Kadler ano ka ba!" nakukulitan kong bulyaw.


"Para maka-sigurado lang naman." aniya. 'Nagiging possessive series na din itong lalaking na 'to. From Tiktoker to possessive series hahaha.'


"Aish! Oo na nga! Halika na. Tsk!" pagsang-ayon ko na lang at baka maabutan pa kami dito ng dilim.


Umupo ako sa may shotgun seat at siya sa driver seat.


"Ipapa-uwi ko na lang bukas yung sasakyan mo, don't worry." giit pa nito.


"May dadaanan pa ako." sumbat ko naman.


Napatingin siya sa akin "Oh ayan, akala ko ba h--".. "Sa office ng Manager ko." mabilis na sumbat ko.


"Tss, baka mamaya ipalit mo na ako sa Manager mo?" giit nito at pinaandar na ang sasakyan.


"Pwede din. Pag pinagpalit mo ako doon sa Ripsy mo!" pang asar ko.


"Damn it Ashley! Wag naman ganyan!" inis na asik nito.


"Pfft! Haha.. Doon na lang sa building na yun." sabay turo ko sa building kung saan, nandoon ang opisina ni Manager.


Kinuha ko na ang invitation card na talagang hiningi ko pa kay tita.


She volunteered na siya na lang ang magbigay ng mga iyon thru delivery and buti na lang at may tatlo pa na sobra.


Pagkaparada ni Ashveen sa gilid ng building ay mabilis akong lumabas.


"Hey! Hintayin mo ako!" sigaw niya. Pero binilisan ko pa ang paglalakad.


Naramdaman ko na lang na may humablot sa braso ko at mabilis akong inakbayan.


'Anong trip nitong lalaking 'to?'


"Wag kang kakawala. Baka agawin ka nila. Pinagtitinginan ka kasi oh." pabulong na sambit nito.

Mr. Tiktoker Vs. Ms. Wattpader [Completed ✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon