Listen to the song while reading...
Ashpeen POV
Bumaba na ako ng sasakyan para at bumungad sa akin ang malaking gate ng pinapa-sukan kong school.
I slide my ID card on a transmitter glass.
Bumukas na ang gate at pumasok na ako.
'Susyalin talaga ang gate ng school na 'to secured na secured.'
Naglakad na ako papunta sa building namin ng biglang may umakbay sa akin.
Napalingon naman ako sa kanya.
'Si Raquel lang pala.'
"Ang ganda yata ng araw mo?" tanong ko habang patuloy kaming naglalakad.
"Syempre, nakita ko si Migie eh. Hahaha. Ang ganda niya talaga." masayang tugon nito.
'Tss, mas maganda ka kaya. Kung hindi ka lang ganyan. Tsk!'
"Talaga!" kunyaring gulat na sambit ko.
'Cheer na lang.'
"Oo, inabangan ko kasi siya sa malapit sa gate kanina." wika nito na kinikilig pa.
"Binati mo ba?" walang ganang tanong ko.
"Tsk! Hindi nga eh! Sayang, naka puntos sana ako." wika nito.
"Tss, oh dito ka na." pang iiba ko ng usapan.
"Sige, bantayan mo na lang muna si Migie ko ha." giit pa nito bago pa tuluyang pumasok sa loob ng room nila.
"Sige, see you na lang mamaya" And I fake a smile bago tumalikod sa kanya.
"Yeah!" Sigaw pa nito kahit nasa loob na.
Pumasok naman na ako sa katabi nitong room.
Mabilis kong tinungo ang upuan ko sa tabi ni Migie.
Na-sulyapan ko siya na nakataas ang kilay at supladang nakatingin sa akin. Pero hindi ko na lang pinansin.
Inayos ko ang dala kong gitara sa vacant seat sa left side ko.
Inilabas ko na ang phone ko dahil wala pa naman si Ma'am Rodriguez.
Binuksan ko ang tiktok app ko para manood ng mga tiktok dance.
BINABASA MO ANG
Mr. Tiktoker Vs. Ms. Wattpader [Completed ✔]
Non-FictionMr. Tiktoker Vs. Ms. Wattpader Don't you know that even though their world is different when it comes to social media but their content is the same? What would happen if one day they met their path by accident? Will there ever be a collision in thei...