Ringer POV
Late na akong nagising, kaya late na din akong papasok sa kompanya, pagka-baba ko ay nadatnan ko sa sala ang kapatid kong si Ashley na mag isang nagsasalita. Napakunot naman ang noo ko saka marahan siyang nilapitan.
"Nakaka-bwisit talaga huuhh! Kung wala lang ang parents niya doon kanina ko pa siya pinatay! Bwisit! Ginigigil niya talaga ako eh!" nadinig kong bulong ng kapatid ko.
'Sino kaya yung gusto nitong patayin at ganito na lang siya kagalit?'
"Eheemm.." pukaw ko ng atensyon niya. Nakita kong natigilan siya na tila nagyelo sa kinauupuan at parang de susing lumingon sa akin.
"K-Kuya?" kinakabahan na sambit nito.
"Ay hindi impostor lang ako." pang asar ko.
"Tsk! Kanina ka pa ba dyan?" tanong nito habang namamawis ang kanyang noo.
"Hindi naman kararating ko nga lang eh." wika ko sabay ngiti ng matamis.
"Tss, wala ka bang pasok ngayon?" pang-iiba nito ng usapan saka bumalik na laptop nito ang kanyang atensyon.
"Meron, late na nga ako eh" sagot ko naman.
"Oh? Late ka na pala, tapos nandito ka pa. Tsk!" giit pa nito na nakatalikod sa akin.
"Oh sige na dito ka lang ha, at baka itakbo itong bahay lagot ka kina Mama" biro ko.
"Okay next joke harhar." sumbat nito.
Napa-iling na lang ako saka tinungo na ang garage. 'Ano na naman kaya ang ipapa-lusot ko kay Mama?'
A. Sasabihin kong napuyat ako dahil nagbasa ako ng Possessive series?
Naku wag yun! Baka alisin lahat ang libro ni Ashley sa bahay at pagalitan pa ako nung babaeng yun.
B. Gumawa ng mga office work?
Eh wala pa namang duma-dating na mga office work ko ah. Natapos ko na kasi yung last Saturday.
C. Ang lamig sobra ng tubig na parang ice water kaya natagala na maligo.
Baka sabihin sa akin, takot ako sa tubig. Ahy, oo nga pala nakalimutan kong may heater pala sa bath tub. Tch!
D. Traffic sa EDSA dahil may nagka-bungguhan.
Wala pa nga ako sa EDSA eh. Traffic agad?
'Sige, I choose letter D na lang. Bahala na dyan mwahaha.'
BINABASA MO ANG
Mr. Tiktoker Vs. Ms. Wattpader [Completed ✔]
Non-FictionMr. Tiktoker Vs. Ms. Wattpader Don't you know that even though their world is different when it comes to social media but their content is the same? What would happen if one day they met their path by accident? Will there ever be a collision in thei...