Twenty Seven

104 52 4
                                    




Ashley POV


Nagluto ako ng macaroni soup saka nag-timpla ng gatas para sa mahal na hari ng kamanyakan.


'Lagyan ko kaya 'to ng lason. Hahaha. Joke lang.'


Umupo muna ako sandali ng matapos ko na iyong mailagay sa isang tray.


Napabuntong hininga pa ako ng maalala ko ang sinabi ni Ashveen na kasal.


'Tanungin ko nga pala mamaya si Mama about dun. Eh ayaw ko nga na magka boyfriend! Tapos asawa pa! The hell! Ipapa-cancel ko yun noh! Ayaw kong makasal dito sa lalaking manyak na tiktoker na 'to! Tse!'


Tumayo naman na ako saka binuhat ang tray na may mga nakalagay na kung ano.


Naglagay din ako ng sliced fruit at may medicine na rin. Naglagay din ako ng tubig 'Baka kasi kulang yung gatas.'


Pagkarating ko ay sinipa ko ang pinto 'Hindi niya naman yun bubuksan kung sakaling kumatok man ako.'


Inilapag ko ang dala ko sa ibabaw ng bed side table.


"Huy! Bangon na dyan." mahinang sambit ko sabay tapik sa pisngi niya.


Dahan dahan naman itong napamulat. 'Tsk! Talagang may sakit nga siya! Sumingkit kasi yung mga mata niya eh. Nagkakasakit din pala yung mga tulad niya. Hahaha.'


"Bangon ka na muna at kakain ka pa." giit ko pa.


Umiling iling naman siya.


"Bangon na sabi eh! May update pa ako ngayon! Kung ayaw mo bahala ka dyan!" inis kong sambit.


'Babasahin ko pa din ang university series! kainis!'


Hinawakan niya naman ang kamay ko ng aakmang tatayo na ako.


"Bangunin mo naman ako.." malamyos nitong wika.


'Pasalamat ka at may sakit ka ngayon, kunh hindi! Baka kanina pa kita nasipa dyan!'


Umayos naman ako sa ibabaw ng kama saka dahan dahan siyang inangat.


"Sabihin mo naman kung may galit ka sa akin. At ako na lang ang gagawa. Tsk!" reklamo nito.


"Tss, pasalamat ka nga tinutulungan ka eh, saka maingat naman oh. Masyado kang mareklamo! Anong gusto mo dahan dahan, slow motion ba? Tsk!" sumbat ko naman.

Mr. Tiktoker Vs. Ms. Wattpader [Completed ✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon