Six

143 74 9
                                    


A/N: #Papa's girl



Ashley POV


Bandang four pm na kami naka-uwi ni kuya dahil gumala pa kami kung saan saan.


"May sasakyan Ash oh!" sabay turo ni kuya sa isang kakaibang sasakyan.


Nanlaki naman ang mga mata ko ng makita ko ang tatak at kulay at pati na rin ang plate card ng sasakyan.


"Kuya. K-Kay papa y-yan diba?" utal-utal kong tugon kay kuya ng ma-iparada niya na ang sasakyan.


Nagkatinginan naman kami saka nag-ngitihan.


Mabilis kami na lumabas ng sasakyan at nag-unahan pa sa papasok ng bahay.


"PAPA!!" sigaw naming dalawa ni kuya.


"Youhoo!! Wag ka ng magtago pa, nakita ka na namin!" sigaw ko pa.


Kaya naman ay tumayo si Papa na nagtatago sa likod ng sofa.


Napa-ngiti kami ni kuya at patakbo na lumapit sa kanya at binigyan siya ng isang mahigpit na yakap.


"I miss you pa." Naiiyak kong wika saka hinalikan siya sa pisngi.


'Uwaaa! Na miss namin siya! Super.'


"Hoy bitaw na.. Oho! Oho! Hindi na ako makahinga." pang-drama ni papa.


Natawa naman kami ni kuya saka bumitaw na kami sa yakap.


"Kailan pa kayo dumating pa? Hindi man lang kayo nagsabi, edi sana sinundo namin kayo." giit ni kuya.


"Kahapon lang. Nagpa sundo na lang ako kay Mama niyo at baka daw ma-storbo kayo." Sagot at paliwanag nito.


"Si Mama talaga, hindi kami sinama, kaya pala wala siya dito." pasingit ko naman.


"Hahaha.. Mag bihis na pala kayo at may dinner pa tayo kay tita Lixel niyo. Nandoon na rin ang Mama niyo. Haha." ani Papa.


'Kaya pala pumayag kanina si Mama na mag bonding kami ni kuya kasi nandun siya sa sinabi ni Papa.'


"Ginawa niyo ng library itong bahay ah." wika ni Papa ng mapatingin ito sa pinagawa kong mga lalagyan ng books.


"Sorry Pa. Si Ashley kasi eh. Haha."


'Aba! Sinisi pa talaga ako! Eh siya nga ang may plano nito eh.'


"Wag kang maniwala sa kanya Papa, siya yung nag-plano niyan. Sabi niya nga na pal-ommp!"

Mr. Tiktoker Vs. Ms. Wattpader [Completed ✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon