Twenty One

99 56 3
                                    



Ringer POV


Ring* Ring*


Calling Mama...


I pick up my phone at mabilis iyong sinagot.


"Hello ma?" sagot ko.


"Anak pahatid naman itong report kay Ashveen, kunin mo na lang sa ibabaw ng mesa ko dito sa office ko at baka hindi mo na ako maabutan kasi may meeting ako." tugon niya naman.


"Okay Ma." sang ayon ko.


Nang mamatay na ang tawag ay ibinaba ko na ang binabasa kong pocketbook ng possessive series twenty. 'Uwaa gusto kong balikan yung kay Knight Velesquez Hundred One hundred Five million na siya. Uwaahhh!'


'Mamaya na ulit kita babasahin.. hintayin mo ako, mwahaha!'


Ibinaba ko na ang paa kong nakapatong sa desk ko at inayos na ang suot.


'Sakto! Gusto ko na ulit kasing makita si Alexeu ko eh. Kumain na kaya siya?'


Lumakad na ako palabas ng office ko.


Nakita ko ang secretary ko na busy sa pagsusulat.


"Excuse me.." kuha ko sa atensyon niya.


Napalingon naman siya sa akin saka napangiti "Yes sir?" ani'to.


"Pakisabi kapag may punta dito na wala ako. Okay." wika ko.


"Sige po sir, ingat po." sagot naman nito.


Tumango lang naman ako sa kanya saka tinalikuran na siya.


Ginamit ko na ang private elevator ko para mabilis na makarating sa parking lot.


Napag-pasyahan ko kasing daanan muna ang Alexeu ko bago puntahan si Ashveen.


Dumiretso muna ako sa office ni Mama para kunin ang sinasabi nitong report para sa Human Resource ng kompanya ni Ashveen.


Nakita pa ako ng secretary ni Mama kaso hinayaan niya lang ako. 'Kahit kailan talaga, ang weird ng secretary ni Mama, kaya nga halos hindi na ako masyadong nagpupunta dito eh.


Nakita ko naman na agad ang nag-iisang blue folder na nasa lamesa ni Mama kaya yun na ang kinuha ko.


Lumabas naman na ako dala ang folder. Hindi ko na din pinansin yung weird na secretary ni Mama dahil nagtuloy tuloy na ako palabas ng kompanya.

Mr. Tiktoker Vs. Ms. Wattpader [Completed ✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon