Thirty Eight

92 50 0
                                    



Ashley POV


Hindi kami nagsabay ni Ashveen na umuwi dahil kaming dalawa ni Tita Lixel ang magkasama ngayon.


Inihinto ni Tita ang kanyang sasakyan sa isang salon. "Baba na hija." kapagkuwan ay giit nito.


Binuksan ko naman na ang pintuan.


Bumaba na din si Tita at sinamahan ako papasok sa loob ng salon.


Nakita ko ang mga naggagandahang mga bakla na nagtatawanan at nagra-rampahan ng makapasok kami.


"Good even, maderm!!" Bati nila kay Tita.


"Oh, ito nga pala yung papa-ayusan ko sa inyo, siya ang mapapangasawa noong boss niyo." ani Tita.


"Pak na pak naman ang beauty aness ni ate gurl." saad naman nung baklang.. 'Bakla ba talaga 'to? Eh, ka-gwapo gwapo eh.'


"Sige na mga anak, ayusan niyo na siya at ipapasundo ko na lang siya kay Ashveen mamaya huh. Dapat maganda din at kaakit akit." giit pa ni Tita Lixel.


"Yes po Mamita!!" sabay sabay nilang sagot.


Lumabas na naman na si Tita Lixel.


Nakita kong nakangiti sila sa akin.


"Ang swerte mo gurl, sana ako na lang ikaw, ang ganda at mapapangasawa ni boss.. Kyaahh!!" patiling wika nito.


Nag-tawanan naman kami sa kanya. "Hahaha, don't worry maganda ka din naman eh." ganti na puri ko naman.


"Hahaha, salamat. Mabuti pa at umpisahan na natin ang make overness ng ating queen of the night." ani'to sabay hila nila sa akin at ipinasok sa isang pinto.


'Ang ganda naman ng room na ito, puro kasi bulaklak at maganda sa matang tingnan. But napansin ko lang na walang kahit katiting man lang na salamin.


"Lara, Your turn na. Tawagin mo na lang kami after." giit pa nung baklang kaninang kausap ko.


Lumapit naman sa akin ang isang bakla na mahaba ang buhok.


Nagsilabasan naman na ulit sila kaya dalawa na lang kaming natira dito sa loob.


Hinila niya naman ako papunta sa may salon chair na nandito.


"Let's start." wika nito sabay switch nito ng speaker.


Nangunot naman ang noo ko ng pumailanlang ang kantang 'Bongga ka Dai'

Mr. Tiktoker Vs. Ms. Wattpader [Completed ✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon