Ashley POV
I'm reading a story here on wattpad. And ang dami ko na din tawa dito sa binabasa kong university series.
Napa-ayos ako ng upo ng bigla akong makarinig ng nag strum ng gitara.
'Kundiman? I think.'
"Para kang asukal..
Sintamis mong magmahal.." nadinig kong kanta nito.
'Uwaa! Kundiman nga! Ang lamyos ng boses. Ang sarap sa tainga.'
Ibinaba ko ang phone ko at nakinig na lang sa kanyang kanta.
"Kaya't wag magtataka,
kung bakit ayaw..
kitang mawala.." dagdag pa nito.
Napakanta naman na din ako sa mahinang boses.
"Kung hindi man tayo hanggang dulo..
Wag mong kalimutan.
Nandito lang ako,
lang umaalalay.
Hindi ako lalayo..
Dahil ang tanging panalangin ko..
Ay ikaw." 'Ang ganda talaga ng boses niya. Saka parang may patama yung kanta sa akin. Like what he sang. Kung hindi man kami hanggang dulo.. I won't forgot na nandyan lang siya.'
Sandali akong napangiti saka tumayo.
Lumapit ako sa pinto saka sumandal para pakinggan pa ang kanta.
"Bahala na,
ayoko munang magsalita..
Hayaan na muna natin ang daloy ng
Tadhana..."
Hindi ko na natiis pa at marahan kong pi-nihit ang door knob.
Sumilip ako ng magbukas iyon.
I saw him sitting on the bed. Nakapikit siya while singing na tila pinapakiramdaman ang kanyang pagkanta.
Napamulat siya at biglang napabaling sa akin.
Napangiti naman ako pero nag iwas lang siya ng tingin.
Tuluyan ko ng binuksan ang pinto saka nakangiting pumasok.
'Paano ba ako magsisimula nito?'
"Marunong ka palang mag gitara?" tanong ko sa kanya sabay upo sa dulo ng kama.
But he did not answer me, bagkus ay pinag-patuloy niya lang ang pag strum.
BINABASA MO ANG
Mr. Tiktoker Vs. Ms. Wattpader [Completed ✔]
Non-FictionMr. Tiktoker Vs. Ms. Wattpader Don't you know that even though their world is different when it comes to social media but their content is the same? What would happen if one day they met their path by accident? Will there ever be a collision in thei...