A/N: Salamat pala sa mga umantabay sa story ko, sana patuloy lang kayong mag-support
Ringer POV
Maaga kong ginising si Ashley dahil nga yung sa sinabi niya kagabi.
"Five minutes pa naman kuya.. inaantok pa ako eh." inaantok na wika nito sabay ang paghikab.
"Magsasara na yung mall mamaya." pabiro kong wika.
Excited na kasi akong maghanap ng bagong babasahin ko.
Tapos ko na kasing basahin ang sinulat niya eh! Sinabi ko muna kasi kay mama na mag-bobonding muna kami ni Ashley kaya hindi muna ako ngayon papasok sa kompanya.
Pumayag naman si mama dun, kaya naman free ako today.
My name is Ringer as in Rin-ger.. Bente nuebe anyos at isang supportive kuya nitong kapatid kong hinila ako sa pagbabasa ng wattpad.
Kaya ayun na nga! Kinaadikan ko narin ang pag babasa. Nagagalit nga sa akin si mama minsan eh.
Kasi..
Nagdadala ako ng mga pocketbook na galing sa collection ni Ashley.
Kadalasan na binabasa ko ay mga books ni C.C hahaha.. ayun naman kasi ang halos na karamihan na collection ng kapatid ko kaya naman..
Iniimagine ko na ako na lang sina Tyron, Dark, Lash, at marami pa hahaha.
Iniwan ko muna ang kapatid ko at baka ma-pressure ko siya at hindi na ako ilibre.
Lulutuan ko muna siya ng favorite niyang chili-mansi na pancit canton.
Nagsalang ako ng casserole with water at habang hinihintay kong kumulo ay nagbasa-basa muna ako ng..
'Possessive One: Tyron Zapanta.'
Okay lang kahit nabasa ko na 'to uulitin ko na lang ulit.
"Kuya! Paluto naman ng canton!" nadinig kong sigaw ni Ashley mula sa hagdan.
"Meron na, maligo ka na lang para maka-alis na tayo!" syempre excited na me.
Hindi ko na siya narinig pang sumagot.
Nakita ko ang pag usok ng casserole. Nilapitan ko iyon saka inihulog na ang canton ni Ashley.
Diing* Doong*
'Tsk! Sino naman kaya yung storbo?!'
BINABASA MO ANG
Mr. Tiktoker Vs. Ms. Wattpader [Completed ✔]
Non-FictionMr. Tiktoker Vs. Ms. Wattpader Don't you know that even though their world is different when it comes to social media but their content is the same? What would happen if one day they met their path by accident? Will there ever be a collision in thei...