Ashveen POV
'Ang sarap naman yakapin ng unan ko, hehe. Ang lambot. Pero bakit ganun? Niyayakap akong pabalik?'
Kaya naman ay mabilis akong napamulat.
"Ay jusko po!" sigaw ko ng maulinigan ko ang niyayakap kong inakala kong unan.
Nagmulat din naman siya ng mga mata at mabilis akong tinulak.
"Ikaw talagang pervert ka! Anong ginagawa mo sa akin ha?!" sigaw nito.
"Ouch! Aray!" daing ko ng magsimula siyang hampas hampasin ang braso ko.
'Napaka-sadista naman neto!'
"Lumayas ka nga dito!" bulyaw nito.
"Bakit ako lalayas? Eh kwarto ko 'to!" sumbat ko naman. Paalisin daw ba ako sa kwarto ko.
"Teka! Tama na ang palo! Ang sakit na ng braso ko oh!" giit ko pa.
"Kung ayaw mo ng palo, edi ito na lang.."
BllaaAAggGg!*
"Aray ko! Walangya naman oh! Ang malas naman ng umaga ko.. ouch!" daing ko habang nakahawak sa balakang ko. 'Well, sinipa niya lang naman ako kaya nahulog ako sa kama. Oh diba ang galing!'
"Oops! Sorry sinasadya ko yun!" sarkastiko na wika nito.
"Talaga?" sumbat ko saka pilyong ngumisi.
"Tsk! Don't look at me like that kung ayaw mong makabali-bali ang buto mo!" giit naman nito sabay smirk.
Dahan dahan akong tumayo habang sinusuportahan ang nasaktang parte ng katawan ko.
"Subukan mo lang at baka ikaw ang hindi makalakad dyan. Fvck! Paano na ako nito haharap sa camera.!?" inis kong sambit.
"Mwahahaha.. sige na mag tik tok ka na, aalis na ako." anito sabay tayo na sa kama.
"Mabuti naman, para wala ng istorbo" mahinang bulong ko.
"Anong sabi mo?" giit nito na nilingunan pa ako.
"Wala, sabi ko alis ka na.. AT WAG KA NG BABALIK!" I emphasize my words.
Inirapan niya ako "Talagang hindi na!"
BLlaaAggGg!*
'Ay bastos!' Talikuran daw ba ako.
BINABASA MO ANG
Mr. Tiktoker Vs. Ms. Wattpader [Completed ✔]
Non-FictionMr. Tiktoker Vs. Ms. Wattpader Don't you know that even though their world is different when it comes to social media but their content is the same? What would happen if one day they met their path by accident? Will there ever be a collision in thei...