Listen to the music..^__^
Ashley POV
Lumabas muna ako sandali para magpa-hangin dahil pagod na ang kamay ko sa kaka pindot sa laptop kong pinag u-update-an ko ng wattpad syempre.
"Pst! Ashley!"
Nangunot naman ang noo ko ng bigla kong narinig ang pangalan ko.
Tiningnan ko naman ang mga damo at halaman kung sila ba ang tumawag sa pangalan ko.
"Ano?" pabulong kong ganti sa mga halaman.
"Dito sa gate niyo!" mahinang sigaw ulit ng boses.
Kaya naman ay napalingon na ako sa nagsasalita kuno.
At doon ay nakita ko si Argon na nakaupo sa taas ng pader.
Inirapan ko siya. "Bumaba ka nga dyan! Ano bang ginagawa mo dyan at baka mahulog ka kasalanan ko pa!" bulyaw ko sa kanya. 'Hayyss! ito talagang lalaking ito.. naghahanap ng disgrasya!'
"Di bale ng mahulog basta sayo.." wika nito na nag-taas taas pa ng kilay.
"Tsk! Ang corny mo! Bumaba ka nga dyan!" sigaw ko sa kanya.
At ang loko! Bumaba naman. 'Ay sus! may pinto naman eh, uso namang mag-doorbell. Ang mahirap lang ay baka hindi niya alam gamitin. Tsk!'
"May pinto tapos dyan ka pa talaga dumaan, eh paano pag-nahulog ka!?" pagalit kong wika sa kanya.
"Yiee! Concern na siya sa akin.." giit nito at sinundot-sundot pa ang tagiliran ko.
"Ano ba Argon! Para kang tanga."
"Tanga sayo. Yieee!" giit naman nito.
"Tss, ang cheesy mo." inis kong wika saka naglakad na patalikod sa kanya.
'Hayyss.. Ang peaceful na nga kanina ng paligid eh. Tapos may bagyo pang dumating. Tsk!'
"Huy Ashley sorry na.. Gusto lang naman kitang makita eh." giit naman nito na tila nagpapa-awa.
"Tsk! Tumigil ka na nga Argon, diba nga sabi ko sayo! Tigilan mo na ang pangungulit sa akin! Bakit ba kasi ang kulit ng lahi niyo ha.?" inis kong sambit saka umupo sa gilid ng pool at pinag-tampisaw ang dalawa kong paa sa tubig.
BINABASA MO ANG
Mr. Tiktoker Vs. Ms. Wattpader [Completed ✔]
Non-FictionMr. Tiktoker Vs. Ms. Wattpader Don't you know that even though their world is different when it comes to social media but their content is the same? What would happen if one day they met their path by accident? Will there ever be a collision in thei...