Listen to the music.. ^__^
Ashveen POV
Hawak hawak ko ang tiyan ko habang tuloy tuloy na pinindot ang door bell nila.
"Wag mo ng pindutin yan at baka magalit pa at madamay na naman ako.." wika ng lalaki na sinuntok din kanina ni Ashley.
'Sino ba itong lalaking 'to? At pinapakialaman ako?'
Binigyan ko lang siya ng masamang tingin saka muling bumalik sa pag pindot ko ng door bell.
At dahil nainis na talaga ako ay..
May nakita ako sa tabi ng mail box na para siyang pindutan. 'Pass code? Diba post code yun? Hays ewan!'
Matawagan nga si tita. Nakita ko naman ang pag alis nung lalaki. Medyo natawa pa nga ako dahil sa mukhang lasing na lakad nito.
"Hello tita?" saad ko. 'Wag kayo! Close na kami agad nito! Hahaha.'
"Hello anak? Napatawag ka?" 'Uwaa! Anak na rin ang tawag niya sa akin!'
"Uhm.. pwede ko po bang tanungin kung ano yung pass code ng gate niyo? Ayaw po kasing sabihin ni Ashley eh.. pasensya na po sa istorbo." giit ko pa.
"Haha. Ano ka ba Ashveen, hindi mo naman ako na-istorbo eh, saka, pass code ba kamo?" tanong ni tita.
"Opo, kasi po, ayaw po akong papasukin ni Ashley.." 'Wala ng ibang excuses eh.'
"Yung batang yun talaga.. One, three, eleven, thirty."
Kaya naman ay i-nenter ko na yun.
Nagbukas naman ng malawak ang gate kaya nakapasok na ako. 'Dyan ka muna car ha. Dahil my gagawin lang ang poging tik tok-er na boss mo.'
Pagkatapos ay may pinindot akong red button na at nag-sara naman na ang pinto. 'Alam ko 'to noh! Hindi ako ignorante!'
And ayun nga. Nag-diretso na ako papunta sa pinto ng bahay nila.
Pinihit ko ang doorknob nila. 'Open!' Kaya naman ay.. Dahan dahan na akong pumasok sa loob.
Napukaw agad ang atensyon ko malaking book shelf before the kitchen's door.
"Ang dami naman libro yan? Ano siya? Bookish na rin siguro siya?" bulong ko sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
Mr. Tiktoker Vs. Ms. Wattpader [Completed ✔]
Non-FictionMr. Tiktoker Vs. Ms. Wattpader Don't you know that even though their world is different when it comes to social media but their content is the same? What would happen if one day they met their path by accident? Will there ever be a collision in thei...