Fifty

71 47 2
                                    



Ashley POV


Naramdaman ko ang mahinang pag-tapik sa pisngi ko kaya unti unti akong nagmulat.


"Gising na, late na tayo sa office." wika nito na malapit lang ang mukha sa mukha ko kaya naamoy ko ang matamis nitong amoy.


"Ma--" bigla kong natakpan ng labi ko saka patakbo na pumasok sa comfort room.


Nakaramdam kasi ako ng pagbabaligtad ng sikmura.


Lumapit ako sa lababo saka doon pilit na dumuwal.


'Aish! Niloloko ba ako nito? Or baka gutom lang 'to? Wala kasing lumalabas eh. Kailangan ko na talagang magpa check up later.'


Lumabas na ako sa CR. Nakita ko naman si Ashveen na kunot-noo na nakatingin sa akin.


"Pwedeng mauna ka na lang sa office? Susunod na lang ako, promise." nakangiting wika ko.


"And where do you think your going?" naguguluhan na tanong nito.


"P-Pupunta lang ako kay Kadler. Birthday niya kasi." tugon ko.


Bigla namang nag iba ang ekspresyon ng kanyang mukha. "Hindi ka pupunta doon! Tawagan mo na lang siya kung gusto mo!" galit na bulyaw niya.


Nagulat ako sa pagtaas ng boses niya.


"But, he's my best friend." sumbat ko.


"Kahit na!" sigaw pa nito.


"Nagseselos ka ba?" I try to crack a joke.


"Tinatanong mo kung nag seselos ako?! Oo! Tang*na!" 'Galit na galit? Uy selos siya. Meaning panalo na ako. Mwahaha!'


Napangiti naman ako.


"Ano? Masaya ka na? Na talo ako at ikaw na yung panalo?! Ang hirap kasi Ashley eh! Mahirap na pigilan itong nararamdaman ko." paliwanag nito. "Lalo na nung makita ko kayong dalawa na magkayakap noong birthday ko. I wanted to punch his face kasi doon ko lang na-realize na mahal na pala kita." dagdag pa nito. Nahagip ng mata ko ang pagbagsak ng luha niya.


"Punish me now. Pero hindi mo na maalis pa sa puso ko ang pagmamahal ko sayo. Mahal na kita Ashley. Damn it!" giit pa nito sabay takbo at labas ng pinto.


'So? Umamin na siya pero ako hindi niya man lang pinapakinggan? Bastusan lang. Ang mahirap sa kanya eh, aalis na agad siya pag nainis na talaga. Hindi marunong makinig. And! Kailangan pang suyuin para lang umamo na ulit. Tsk!'


Sumilip ako sa bintana at nakita ko ang sasakyan niyang paalis na.


Mr. Tiktoker Vs. Ms. Wattpader [Completed ✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon