Ashveen POV
Nang makarating na si Daddy kasama si? 'I forgot his name.'
"Let's start our dinner?" patanong na wika ni Mommy. Nagsi-tanguan naman sila.
"Ano hon? Nakapag decide na ba kayo about your plan?" tanong bigla ni Mommy.
"Yes hon. Actually may pagbabagong mangyayari." saad naman ni Daddy.
Nag abot naman ako ng pagkain ng matapos na silang makakuha.
'Ano kayang ibig nilang sabihin?' Nakinig lang ako sa usapan nila.
"May I know? Kung anong pagbabago?" usyoso ni Mommy.
"Bukod nga sa pagtatrabaho ni Ashley sa company ay naisipan naming i-move yun this coming friday."
Naramdaman ko namang napahinto yung babae sa pagkain at ng tingnan ko ay nang-lalaking mga mata ang nakita kong ekspresyon nito. Napailing lang ako saka sumubo ng pagkain.
"Okay lang ba yun sayo hija? Na, this coming friday ka na mag umpisa?" tanong ni Mommy sa babae.
Napatingin naman kaming lahat sa kanya, liban na lang kay Ashpeen na patuloy na kumakain.
"O-Okay naman po yun sa akin. Wala pong problema." tugon naman nung babae.
"Then mag u-umpisa ka na sa Friday Ashley as a Secretary right?" pagka-klaro ni Daddy.
Napatango naman yung babae na ang pangalan pala ay Ashley.
'Nice name huh! Ashveen, Ashpeen and Ashley. Talagang may Ash lahat ah Hahaha.'
"May interview pa po ba akong gagawin kapag pumasok na ako sa company po ninyo?" kunot noong tanong ni Ashley kay Daddy.
"No need, aksaya lang yun ng time. Basta, pag nakapasok ka na sa company ay diretso ka na agad sa VIP room. Get that?" ani Daddy. "And for the second deal is.. You Ashveen." pagtu-tuloy ni Dad.
"Ha? Bakit po ako nasama?" takang tanong ko dahil sa narinig ko ang pangalan ko.
"Ikaw na ang tatakbo as a CEO ng Excel company."
"WHAT?!!" gulat na tanong ko.
'Eh kaya nga lawyer lang kinuha ko eh! Kasi ayaw kong maging CEO. Masyado kasing matrabaho, at ayaw ko din maging zombie sa umaga.!'
"Magiging CEO ka na sabi ko." pag uulit ni Dad.
BINABASA MO ANG
Mr. Tiktoker Vs. Ms. Wattpader [Completed ✔]
Non-FictionMr. Tiktoker Vs. Ms. Wattpader Don't you know that even though their world is different when it comes to social media but their content is the same? What would happen if one day they met their path by accident? Will there ever be a collision in thei...