Ashley POV
Matapos ang halik ay inihagis ko na pataas ang wedding flower ko.
Nasalo iyon ni Kadler na nagpaka-isip bata na naman.
'Buti na lang at pinatulan ito ng girlfriend niya. Napaka-isip bata eh! Well, kung sabagay nga naman. Mabait naman si Kadler saka oozing with sex appeal. Kaso, ayun nga ang problema. Ang pagiging childish niya.'
Naglakad na kami palayo sa pari at tinungo ang sasakyan.
"Mabuhay ang bagong kasal!" biglang sigaw ni Kuya Ringer.
Nag-tinginan naman kaming lahat sa kanya. "Peace hehe." anito.
"Tsk! Baliw." bulong ko saka nagpatuloy na kami ni Ashveen sa paglalakad.
Pinag-buksan niya ako ng makadating na kami sa kotse.
Dahan dahan naman akong pumasok ng nakangiti.
Umikot na sa kabila si Ashveen ng makapasok na ako saka tumabi sa akin.
"Pst!" sitsit ko sa kanya.
Napabaling naman siya sa akin "Ano?" kunot-noo na tanong nito.
Vrooomm.* Vroomm.*
"Pwede bang uwi na tayo? Inaantok na talaga ako eh. Please." makaawako with matching puppy eyes.
'Seriously! I want to sleep na talaga. Kanina pa.'
"Tsk! Mamaya na. Kakain muna tayo." sumbat nito.
"Pero inaantok na ako!" bulyaw ko.
Naramdaman ko ang unti unting pagtakbo ng sasakyan namin. "Sandali lang naman eh. May cake slicing pa tayo, saka yung slow dance natin." giit nito.
'Hays. Nakakainis naman oh. I'm sleepy na talaga.'
Napa-hikab ako saka ibinaling na lang ang tingin ko sa bintana.
Pagkarating namin sa building na nirentahan pa daw ng mga magulang namin ay pumasok na kami.
'Ang hirap ngumiti. Ang sakit na ng pisngi ko.'
I smiled to them kahit talagang masakit na ang pisngi ko at inaantok na din ako.
Pinigilan ko na lang ang mapahikab dahil sa dami ng bisita.
BINABASA MO ANG
Mr. Tiktoker Vs. Ms. Wattpader [Completed ✔]
Non-FictionMr. Tiktoker Vs. Ms. Wattpader Don't you know that even though their world is different when it comes to social media but their content is the same? What would happen if one day they met their path by accident? Will there ever be a collision in thei...