"Ano ba ginagawa natin dito Kao?" nagugulohang tanong ni Missy sa kaibigang si Kaori..
"Saglit lang Missy.. Sabi ko naman kasi sayo wag ka ng sumama sa akin e!" reklamo naman din ni Kaori dito
"Ano ba kasing ginagawa natin dito ss Accountancy Building? Don't tell me may sinisilayan ka dito? Ang konti lang kaya ng lalaki dito di pa sure kung lalaki talaga hahaha" natatawang saad ni Missy sa kaibigan.
Hindi naman ito umimik sa kanya..
"Hala! Hala! Si Jelay ba yun?" na-eexcite na ani ni Missy
Agad namang napalingon si Kaori sa tinuro nito..
Si Jelay na masayang naglalakad. Taas noo habang bitbit ang ilang mga libro.
"Ang ganda nya talaga tapos ang tangkad! Hindi na ako nagtataka bakit crush na crush sya ng mga kaklase natin" pinagmasdan ng magkaibigan ang babaeng bagong dating..
Wala itong paki-alam sa paligid nya kahit pinagtitinginan na sya ng halos lahat. Wari mo'y natutuwa pa sya sa nakukuhang atensyon.
May lalaking sumalubong dito.. At bumeso.
"Gwapo ng boyfriend for the week nya ah." puna ni Missy.
"Tara na! Balik na tayo sa building natin" hindi na hinintay ni Kaori ang sagot ni Missy at nauna ng maglakad palayo..
"Gwapo nuh? Sabagay.. Hindi naman siya napatol sa pangit hahaha" natatawang pahayag pa rin ni Missy ngunit wala syang nakukuhang sagot kay Kaori.
"Alam mo ba, Balita ko ha? Linggo linggo iba ang boyfriend o girlfriend niya.. Oo! Napatol din sya sa babae pero nakikipag break din sya after a week kasi daw napapangitan sya.. Gandang ganda kasi yan sa sarili nya. Bali-balita nga narcissist sya.. Kaya baka salamin na lang daw pakasalanan nyan hahahaha" tila wala naman naririnig si Kaori sa kwento ng kaibigan
"Pero ano ba ginawa natin dun Kao sa building na yun?"
"Wala." tipid na sagot nito
"Nga pala Kao, balita sa inyo ni Donny?"
Si Donny ay masugid na manliligaw ni Kaori. Mag-iisang taon na rin siyang kinukulit nito
"Friends" tipid ulit na sagot nito
"Eh? Ano ba ayaw mo kay Donny? Ang gwapo, hotty lalo na kapag naglalaro ng basketball! O my gosh! Kung hindi ko lang mahal si Gian, aagawin ko si Donny sayo"
"I don't know. Wala akong maramdamang kakaiba sa kanya"
"Umamin ka nga! Baka ikaw ang narcissist ha? Wala akong kilalang nagugustuhan mo.. Baka inlove ka sa sarili mo." inirapan naman ni Kaori sa sinabi ng kaibigan
"Ang daldal daldal mo!" iritang sagot nito
"Alam ko na! You're not into boys nuh??" ang maliit na mata ni Missy ay lalo nya pang pinasingkit sa pagtitig kay Kaori
"So what's the problem if i like girls?" seryosong tanong ni Kao sa kanya
Napatutop naman si Missy sa kanyang bibig.
"OMG girl! Don't tell me ako ang gusto mo??!" histerikal na tanong nito kaya nakatanggap sya ng hambalos mula kay Kaori
"Over my dead sexy body Missy!"
"So kung hindi ako.. OMG!" muling sigaw nito na tinitigan ng masama ni Kaori
"Si J-Jelay??" and Dang!
Just like that.. Missy hit the right spot.
Natahimik lang si Kaori sa sinabi nito"Crush mo yun???" tinusok tusok pa nito sa tagiliran si Kaori
BINABASA MO ANG
The Other Side (JelRi Fanfiction)
Fanfiction"What if, one day when you wake up you have a child with your long time crush?" Christian Dale as an Inter-dimentional Traveller!! Came from Are You My Destiny. FAN FICTION FOR JELRI STAN!!!