Chapter 32

761 51 22
                                    

"Lahat yun ang sinasabi. Kahit ikaw yun iniisip mo!" umiiyak na ani nito.

"Muka at itsura lang ba basehan mo para masabing bagay tayo?" hindi sya sumagot sa tanong ko. Nanatili lang syang naiyak sa may dibdib ko..

Pinagtitinginan na din kami ng tao..

"Love, walang mata ang puso. Wala akong pake sa itsura at suot mo. Ang mahalaga sakin yung nararamdaman natin." humigpit ang paghawak nya sa damit ko habang patuloy sa pag-iyak..
Feeling ko ay kakapit na sa akin ang mabangong amoy niya.

KAORI POV

Ako ang may problema, nasa akin.
Jelay always make me feel that i am worthy.
Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Nilalamon ako ng insecurities ko.

Nanatili lang akong yakap si Jelay habang patuloy sa pag-iyak.

"I really want to be beautiful as your exes." umiiyak na sagot ko

"That's insane. Ayukong pumangit ka Love. Mas magaganda ka sa kanila kung gugustohin mong maging kasing ganda lang nila nababaliw ka na" mas siniksik ko ang katawan ko kay Jelay.
Mahal ko na mahal ko siya at nababaliw na ata talaga ako.

"Sabi mo kanina, i look normal na bagay na tayo. Ibig sabihin kung hindi ganito suot ko hindi tayo bagay?" tanong ko sa kanya habang nakasiksik sa katawan nya.

"What? Kaya ka ba nagkakaganyan dahil sa sinabi ko kanina?" gulat na tanong nya na nilalayo ang katawan ko sa kanya pero nanatili akong nakayakap. Nahihiya akong salubongin ang tingin nya.

"Kaori!" matigas na tawag nya sa pangalan ko kaya bumitiw na ako ng yakap sa kanya.

Masyado na akong clingy, baka sumusobra na ako..

Sinalubong ko ang mata nya at nakita ko na parang galit sya.

"I'm just joking sa sinabi ko kanina. Why did you take that seriously?" kunot noong tanong nya

"Kasi ikaw yan! Lahat ng sasabihin mo mag-mamatter sa akin. Kung sila magsabi na hindi tayo bagay ayos lang sakin pero kung sayo na manggagaling, hindi ko kaya." sagot ko habang pinupunasan ang luha ko.

Kinuha ni Jelay ang dalawa kong kamay at dinala sa kanyang bewang.

Siya ang nag punas ng luha ko.

"I'm sorry.. Joke lang talaga yun, Love. I didn't mean it." malungkot na ani niya..

"But i still want to.." pangungumbinsi ko sa kanya.

"Okay, but promise me. You'll do this for yourself.. And..." huminto siya sa sinabi nya

"And?" tanong ko para dugtongan nya. Nag-aalinlangan kasi siya.

"Nevermind." nge? Ano kaya yun gustong nyang i-promise ko.

"Ano yun, Love?" pangungulit ko dahil alam ko mahalaga yun.

"Wala nga. Nangulit ka na naman." medyo inis na saad nya kaya di ako nakapag salita.

"Gutom na ako Love, kain tayo" aya nya sakin.

"Sabihin mo kung ano yung i-promise ko." tinitigan nya lang ako at kinurot sa ilong.

Bakit ba hindi nya tinuloy?!

"Wag na." sagot nya at hinalikan ako sa ilong.

Nabigla ako. Hindi ako nakakilos.
O-M-G!! Palapit na ng palapit sa lips ko yan ah!

Tinitigan ko lang ang labi niya.. I'm just wondering kailan talaga yan lalapat sa labi ko.

Natauhan na lang ako ng makita kong inabot nya ang card nya sa cashier para sa mga damit ko na pinili nya.

The Other Side (JelRi Fanfiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon