Chapter 13

874 61 8
                                    


KAORI POV

Hindi ko talaga inaasahan na babalik si Donny. Tinext ko na kasi siya na hindi ako makakasama dahil aalis kami ni Jelay at Dale.
Nagulat na lang ako dumating sya sa bahay na may dalang laruan.

Kaibigan ko si Donny at madalas naman siyang pumupunta talaga dito kaya pinapasok ko siya.
Nagkasundo kami na uuwi din siya kapag dumating na si Jelay dahil aalis nga kami.

Sobrang excited ko nga na gagala kaming tatlo. Hihihi

Naglaro ng bola si Dale at Donny, pinapanuod ko lang sila. Tuwang tuwa naman si Dale dahil marunong na sya mag dribble ng bola.

Sobrang pawisin ito kaya nilapitan ko sya at pinunasan ang muka niya at likod.

"Basa na rin likod ko." nakangusong sabat ni Donny.

"Oh? Anong gagawin ko?" seryosong tanong ko sa kanya.

"Punasan mo likod ko." inabot ko sa kanya ang bimpo.

"Punasan mo sarili mo." malumanay na sagot ko sa kanya. Ayuko namang ma-offend siya.

"Hindi ko abot likod ko e.. Please! Please!" pag-mamakaawa nito kaya pumayag na ako.

Habang pinupunasan ko ang likod nya ay naramdaman kong may nakatingin sakin.

Paglingon ko ay nakita ko si Jelay na masama ang tingin samin..
Agad kong binawi ang kamay ko kay Donny..

"Jelay.." tawag ko dito pero tinitigan nya lang ako.

"Mommy!!" tumakbo si Dale papunta kay Jelay at agad yumakap sa bewang nito.

"I miss you Mommy! Tito Donny, teach me how to dribble a ball." kinarga nya si Dale at hinalikan sa pisngi..

"I love you baby.." hindi ako sigurado pero parang naiiyak si Jelay. Halata ang sakit sa kanyang mata.

"I love you too Mommy!!" pinugpog ng halik ni Dale sa muka si Jelay. Sobrang lambing ng bata hindi mahirap na mahalin.

"Ate Cha, pakibihisan si Dale. Aalis kami." sila lang? Diba sabi nya kanina kasama ako? Pero di nya ako niyayaya.

Sinundan ko lang siya ng tingin pakyat sa kwarto namin.

"You shared room?" tanong ni Donny sakin.

"Yeah." wala sa sariling sagot ko.

Nanlalamig ako sa pinapakita ni Jelay.

"Hmm.. Close na close siya sa bata nuh?" tanong ni Donny na hindi ko na nasagot.

"Ahm, Donny.. Hindi na kita ma-i-entertain, sa sunod na lang tayo mag-usap ulit" pahayag ko dito na tumango naman.

"Okay.. I'll go ahead?" tanong nya na nakangiti..

"Yeah. Ingat" paalam ko sa kanya.

"Bye." hahalik sana siya sa pisngi ko pero mabilis kong iniwas ang muka ko.

Inaalala ko ang sinabi ni Jelay na wag akong magpapahalik sa iba.

"S-sorry.." ani ko kay Donny..
Ngumiti naman siya ng mapakla.

"I understand." tumalikod na sya at tuloyang umalis.

Nang makatalikod si Donny ay mabilis akong umakyat sa kwarto. Naabotan ko si Jelay na nakaupo lang sa kama at parang malalim ang iniisip.

"Saan kayo pupunta?" hindi nya sinagot ang tanong ko bagkus ay nagtungo sa closet.

"Jelay.." muling tawag ko sa kanya..

The Other Side (JelRi Fanfiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon