Chapter 36

714 48 16
                                    

Assumption and lack of communication are the number one relationship killers.

------

JELAY POV

Ayukong makita si Kaori kasama ang mokong na yun kaya pumayag ako sa aya ni Kurt na manuod ng sine.
Habang nanunuod ng sine ay di ako mapakali, iniisip ko kung ano na ginagawa ni Kaori.

Mababaliw na ata ako.

Baka nga totoo ang sinasabi nila sakin nun? Ginayuma nga ata ako ni Kaori dahil hindi siya mawala sa isip ko kahit saglit.

"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Kurt..

"Yeah." simpleng sagot ko

Naiisip ko na naman ang panlalamig ni Kaori sakin lately tapos yung nasaksihan ko kanina.
Akala ko talaga totoong mahal niya ako kasi ako, mahal na mahal ko na siya e.

But i need to guard my heart again and never put it down.

There's always something about me na aayawan.. Why i can't be perfect?

Ano bang kulang sa akin talaga? Dahil ba hindi ako marunong sa gawaing bahay? Napapagod na ba sakin si Kaori? Pwede naman ako kumuha ng maids.

"Kurt, pangit ba ako? Hindi ba ako sexy? Is there something wrong about me?" nagulat naman siya sa tanong ko.

"You're perfect Jelay.." ani nito

"I'm not." sagot ko sa kanya

"Gutom ka na ba? Gusto mo kumain muna tayo, gutom na rin ako e.." aya nya sakin kaya tumango ako.

Walang gana akong kumain.. Ewan ko, pati pagnguya nahihirapan ako.
Siguro, masaya ngayon si Kaori nakikipag. Okay, Kaori na naman.

Jelay, ano ba?! Dahil lang sa isang tao mababaliw ka na naman? Pagalit ko sa sarili ko.

"You want to go to the bar?" nakangiti aya nito.

Matagal na rin ako hindi nag-bar. Simula ng dumating si Kaori at Dale sa akin hindi na ako napadpad dun.

Nagbago ako para kay Kaori ng hindi ko namamalayan..

"G!" sagot ko dito. Ngiting ngiti naman siya.

Maaga pa ng dumating kami sa Bar. Wala pang gaanong tao.

"Jelay! Finally you came to your senses! Bumalik ka na" masayang bati sakin ni Angela. Madalas kong nakakasama kapag nag babar ako.

"Welcome back to me!" nakangiting sagot ko dito..

"Masaya kaming makita ka ulit dito. Si Kurt lang pala makakapagpabalik sayo dito" saad naman ni Sheena na nginitian ko lang..

It's not Kurt. I just need alcohol in my body.

Naupo kami sa iisang table. Medyo gilid at malayo sa tao..

Habang tumagal ay napaparami na ang inom ko.

"Jelay babe! You're here! Akala ko niloloko lang ako ni Angela." bati sakin ni Kyzha na nginitian ko lang rin. Medyo nahihilo na ako.

Nagkwentuhan lang sila habang ako ay busy lang sa pag-inom.

"Restroom lang muna ako" paalam ko sa kanila.

Pagtayo ko ay parang umikot ang mundo ko.

Shit. Humihina na tolerance ko sa alak.

I compose myself, before i go to restroom to pee.

After i peed, sinipat ko muna ang muka ko sa salamin.

The Other Side (JelRi Fanfiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon