Chapter 55

706 53 19
                                    

JELAY POV

Dumiretso ako sa restaurant kung saan sana gaganapin ang Dinner namin ni Kaori.

Kung saan magpapaliwanag ako sa lahat ng nagawa ko. Ipagtatapat ko ang damdamin ko sa kanya at aayain siyang maging girlfriend ko...

But i'm a messed again.

Pinagmasdan ko ang paligid.
Nasunod ang lahat ng gusto ko.
Table for two na nasa ilalim ng mga bituin at buwan.

May bugkos ng bulaklak sa gitna ng bilog na lamesa na nababalutan ng kulay dugo na tela.

Napapalibutan ng mga ilaw na may katamtaman na liwanag ang paligid.
Nakahanda na rin ang wine na nasa loob ng bucket na puno ng yelo.

Kinuha ko yun at nagsalin sa isang baso.

Ang wine na dapat pagsasaluhan namin ang napag-diskitahan kong inumin.

Patuloy lang sa pag-agos ang luha ko habang nililibot ang mata sa paligid.

This is not what i am expecting.

This is not my dream dinner date.

This is the first i exerted an effort for a date. And it's a big flop..

Bakit naman ganon? Pinaglalaruan ba ako ng tadhana?
Bakit sa tuwing akala ko okay na lahat, masaya lang tsaka ako iniiwan?

Hindi ko napansin naubos ko na pala ang isang boteng wine.. Hehe

"Jelay? Jelay!" tinapik tapik ni Karina ang muka ko kaya agad ko hinawi yun..

"Wag mo ko hawakan! Si Kaori lang dapat humawak sakin!"

"Bakit ikaw lang andito? Nasaan si Kaori?" sunod sunod na tanong nito na pakiramdam ko nakakadagdag sa pagkahilong nadarama ko.

Inabot ko kay Karina libro na kanina ko pang hawak..

"Paano napunta sayo ito?" takang tanong nya sa akin.

"So? Sayo nga yan?"

"H-Hindi.." utal na sagot nya

"Bakit may sulat mo?" usisa ko

"I-ito yung libro na sinasabi ko sayo. Yung nakita ko sa National Book Store..." napatawa ako sa sinabi nya.

"Ikaw ang dahilan bakit dumating si Dale? Dahil sa sinulat mo diyan?"

Tinitigan nya ang libro at nilipat ang mga pahina nito..
Nakita ko ang pag-singhap nya.

"Alam mo bang may sa maligno ang libro na yan? Kahit sirain mo, bumabalik lang sa dati!" bulyaw ko sa kanya.

"S-sorry.. Hindi ko alam na magkakatotoo ang sinulat ko." paumanhin niya sakin..

"Nakita ni Kaori ang huling pahina. Mali ang pagkaka-intindi niya. Hindi ko pinili si Achi. Hindi ako tumugon sa halik niya... Lumitaw ang libro na yan ng ma-mawala si Dale.. Wala na si Dale." basag na boses na sumbong ko sa kanya.

Napasinghap naman siya sa sinabi ko..

"Galit na galit sakin si Kaori. Iniisip nya na pinili ko si Achi kaya nawala na si Dale.." hindi ko na napigilan ang sarili ko at parang bata akong umiyak..

"Gagong Achi yun! Bakit ka hinalikan?!"

"Kare, wala akong sinisisi.. Kasalanan ko kasi binigyan ko siguro siya na mix-signal. Kahit ikaw, hindi kita sinisisi. Nagpapasalamat ako sayo kasi kung di dahil siguro sa ginawa mo hindi ko mararanasan ang sayang naramdaman ko sa piling ni Kaori at Dale.. Sobra akong napasaya nun kaya kung papapiliin ako ay pipiliin kong mangyari ulit lahat ang nangyari samin. Sobrang saya nun! At sobrang sakit din ngayon.. Dinudurog ako." wala naman akong dapat sisihin kundi sarili ko lang.

The Other Side (JelRi Fanfiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon