Chapter 51

724 50 26
                                    

JELAY POV

Nabwebweset ako!

"Oh bakit nagdadabog ka?" salubong sakin ni Karina.

"Si Kaori kasi! Di ako pinapansin porket di ko pinapansin!" sagot ko sa kanya.

Di nya ako pinagluto ng breakfast kasi daw napasarap siya ng tulog. If i know, sinadya nya yun kasi galit siya sakin.

Gutom na gutom na tuloy ako tapos wala siyang pasok ngayon kaya di kami magkakasabay ng lunch.

"Bakit di mo pinapansin?" usisa ni Kare

"Sinampal niya kasi ako kahapon!" maliban sa napahiya ako dahil natalo ako. Nasagi ang pride ko sa sampal niya.

"Bakit ka niya sinampal?"

"Eh kasi.. Ano..." hindi ko masagot ang tanong ni Kare. Bakit ba napaka mausisa nito? Nakakainis.

"Ano? May nagawa ka o nasabi sa kanya na kinagalit niya?" i smiled sheepishly.

"Hehe.. Sabi ko lang naman sa kanya bida bida siya, gusto nya ng napapansin siya tsaka maraming nagkakagusto sa kanya.. Nasabi ko rin na malandi siya... Aww!" napakamot ako sa ulo ko na hinampas ni Karina.

"Siraulo ka ba?! Bakit mo sinabi yun?! Kung ako kay Kaori hindi lang sampal aabutin mo sakin. Papaduguin ko ang bibig mo!" gigil na turan nya sakin..

"I know.. Narealize ko naman na mali ako. I was wrong. Nadala ako ng damdamin ko e." i know, it's still not an excuse. Nasaktan ko si Kaori

I was so furious yesterday when i got defeated. I'm at the peak of my emotions and couldn't think right. I fucked up!

"Bakit mo nasabi sa kanya yun?" tanong ni Karina sa akin..

She's my bestfriend tsaka kapag nagtanong na sya hindi yan titigil hanggat hindi nya nakukuha ang gusto nyang sagot.

"It's started nung mga huling araw ng Student Week Fair. Pinahiya ako ni Lance sa mga tao.. Sinabi nya na nakipaghalikan daw ako sa bar kay Kurt. Pinagtanggol ako ni Kaori. She was labelled as a martyr girlfriend and me as a cheater." malungkot na pag-uumpisa ko ng kwento

"Habang lumilipas ang araw.. Palala ng palala na naririnig ko. They always compared me kay Kaori. Si Kaori daw mas magaling, si Kaori mas maganda, si Kaori mas mabuti.. Nanliliit ako sa sarili ko Kare.." naramdaman ko ang paghagod ni Kare sa likod ko pero tinanggal ko yun.

Only Kaori can touch me..

"But i love Kaori so much. Alam mo naman yun diba? So i kept it to myself kasi di ko dapat nararamdaman yun towards her. Hanggang sa ang daming nagpapansin sa kanya. Nawalan bilib ko sa sarili ko e. Napuno ako ng pagdududa kaya napuno din ako ng takot na baka matauhan nga si Kaori at makahanap siya ng higit sa akin. Tapos iwan niya ako." paliwanag ko kay Kare

"Je, hindi porket iniwan ka noon. Iiwan ka ulit ngayon. Kailangan mo tanggalin sa utak mo ang mindset na iiwan ka ng mga taong mahal mo. Kasi kung patuloy mong iisipin yan, baka magkatotoo yan. Law of attraction.. Hindi lahat katulad ni Achi." pagtatapos nito

"Nagkausap na kami ni Achi, Kare." gulat na gulat naman ang muka ni Kare sa sinabi ko.

"A-ano?! Ano sabi nya? Ano naging reaction mo? Bakit siya nawala?" sunod sunod na tanong nito.

"Tek nga. Isa isa lang" pag-awat ko kay Kare. Ngumiti naman siya ng alanganin at nag peace sign..

"Nagka-usap na kami nung nakaraang araw pa pero kahapon niya lang sinabi sakin dahilan niya.." napabuntong hininga naman ako ng maalala ko ang sinabi ni Achi

The Other Side (JelRi Fanfiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon