Chapter 20

849 65 6
                                    

Andito na kami sa Resort. Tulog na tulog si Kaori. Akala ko pa naman si Dale ang kakargahin ko dahil yun ang makaka tulog, mas malaki pala pero syempre di ko siya kakargahin. Ano siya sinuswerte?

"Uy! Gising.." mahinang tapik ko sa pisngi nya.

Si Karina ay nauna na sa loob kasama si Dale.

Nagkusot kusot naman siya ng mata nya at tumingin sakin.

"Hala, may anghel" bulalas nya na napangisi ako..

"Anghel ka dyan!" ani ko

"Jelay?" tanong nya pa at kinusot ang mata nya.

"No other than" sagot ko habang nakangisi pa rin

"Asan na tayo?" walang muwang na tanong nya

"Nasa langit" nagpipigil na tawang sagot ko lalo naman nangunot noo nya..

"Andito na tayo sa resort. Nasa loob na si Kare at Dale." seryosong sagot ko

"Hala, talaga?" nagliwanag ang muka niya at tumingin sa paligid..

"Excited na ako, Love! Tara na" masayang bulalas niya..

"Kaya nga, Tara na.." nakangiti ding sagot ko pero tinitigan nya lang ako.

Yan na naman yung titig nyang biglang sumisikip ang dibdib ko.

"Love, atras ka na.. Bababa ako" mahinang ani nya..

Napa-atras naman ako dahil nakaharang pala ako sa pinto at nakapasok pa kalahati ng katawan ko sa kotse kaya hindi siya makababa.

"Ay, teka. Nasaan ang salamin ko Love?" pahabol niya pa..

Muli kong dinukwang ang ulo ko sa loob ng kotse at kinuha ang salamin niya..

Napalingon ako sa kanya ng maramdaman kong ang lapit nya sa may gilid ng muka ko.
Nakita kong nakapikit siya.

"What are you doing?" kunot noong tanong ko sa kanya. Ang lapit ng muka niya mga tatlong pulgada na lang..

Nagdilat naman ang mata niya at nagulat..
Umatras na ako at inabot sa kanya ang salamin niya.
Hinintay ko na lang sya sa may labas ng kotse.

Paglabas nya ay nakasuot na siya ng salamin.. Nerd

Biglang umihip ang malakas na hangin at napansin ko ang pagyakap nya sa sarili niya.

"Let's go." ani ko at nagsimula ng maglakad.

Pagpasok ko sa resort ay kumuway naman si Karina.
Kumunot ang noo ko sa babaeng kasama niya.

Shet. Sumama talaga yan? Tsk

Nalingonan naman ako nito kaya ngumiti ito ng ubod ng lawak at patakbong lumapit sa akin at kumapit sa braso ko na agad kong tinanggal.

"Jelay babe!!" sino pa ba? Edi si Kyzha..

"Kyzha, you see that boy?" turo ko kay Dale na kasama ni Karina. Nilingon nya naman ito saglit at muling tumingala sa akin.

"Yeah, your couzin. Ehehe" couzin? Yan siguro sinabi ni Karina para iisa ang kwento sa iba.

"Yeah, wag mo paparinig sa kanya na tinatawag mo kong babe." baka isipin ng anak ko nagtataksil ako e.

"Bakit naman?" tanong nito

"Basta. Wag na maraming tanong sumunod ka na lang." ani ko

"Okay babe!" masayang sagot niya na yumakap sakin pero kumuwala ako.

"Jelay, mauna na ako dun" paalam ni Kaori at dumiretso na kila Kare. Sinundan ko naman siya ng tingin.

Ang lamig ng pagkakasabi nga sa pangalan ko. Kanina lang ang lambing ng pagkaka sabi nya ng 'love' e

The Other Side (JelRi Fanfiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon