Chapter 44

698 57 23
                                    

Pagkatapos namin pumunta sa National Museum ay hindi na ngumiti si Jelay.

"Love, nagseselos ka ba kay Kuya Abo?" lambing ko dito habang nakain kami.

"Kuya Abo?" nagtatakang tanong nya..

"Yung kuyang vocalist na kulay abo ang buhok. Ayuko banggitin name nya kasi ang pangit. Kapangalan nya pala ex mo." malamig na tingin lang binato sa akin ni Jelay

"Just finish your food. Punta tayo sa National Library." utos nya

Lumiwanag naman ang muka ko!

"Love!! I love books.." nakangiting turan ko na niyakap siya patagilid..

I really love the smell of the books, the rough texture of it and ofcourse the content.

"And i love you" simpleng saad ni Jelay.

Grabe! Nang gugulat.. Parang wala lang sa kanya pero para na akong bulate na inasinan dito hohoho

"I love you too, Love!!" masayang sagot ko sa kanya and finally ngumiti na ulit siya...

JELAY POV

"I love you too, Love!!" hindi ko maiwasan mapangiti.

She really has an effect on me na kaya nyang pagaanin ang loob ko.. She can relieve my un-easiness.

Akala ko kasi kaya ko ng makita ng ganon kalapit si Achi pero mali ako.
Nang makita ko siya kanina parang dun pa lang nabuhay sa loob ko yung inis sa kanya na iniwan niya ako.

Saan ba kasi ako nagkulang? Diba kung hindi nya na ako mahal pwede nya naman deritso sabihin sa pagmumuka ko. Tatanggapin ko naman yun kahit masakit.

Ang hirap lang kasi na habang tumatagal dumadami ang tanong ko pero walang miski isang nasasagot.

Habang malalim ang iniisip ko kinulit naman ako ni Kaori.

"Love, gusto mo nito?" sinusubuan ako ng pagkain ni Kaori na nabili nya sa tabi tabi..

"Ayuko niyan. Wag kang kumakain ng ganyan baka sumakit tiyan mo." suway ko sa kanya.

"Masarap itong kwek kwek Love. Tikman mo.." pilit nya pa rin sakin..

"Love, ayuko." madiin na sagot ko

"Sige na kasi!" kakapilit nya ay nalaglag ang kwek kwek sa lap ko at nadumihan ng sauce ang black jeans na suot ko..

"Hala, Love sorry!! Sorry!!" ani nya na pinupunasan ang kandungan ko..

Napapikit na lang ako sa asar..

"Kaori!" malakas na tawag ko sa kanya.. Nagtigil naman siya at ngumuso.

"Sorry.." malungkot na ani nya na naawa naman ako.

Marupok nga kasi ako pagdating sa kanya.

"It's okay. Wag ka na makulit" saad ko

"Tikman mo na kasi.. Masarap ito." pilit nya pa rin.

Wala akong nagawa kundi magpasubo na lang sa kanya.
Sa kapipilit nya ay naubos namin ang kwek kwek. Masarap naman pala sya sa pangalawang subo.

Nagpunta na kami sa National Library pagkatapos kumain. Nagpalit lang ako ng shorts dahil sa kakulitan nya.

"Love, hulaan mo favorite genre ng book ko." ani nya sakin

"Wag kang maingay. Bawal maingay dito." bulong ko sa kanya..

"Okay, pero hulaan mo favorite genre ko" bulong nya pa rin sa akin..

Ang kulit talaga. Minsan mas makulit pa sya kay Dale.

The Other Side (JelRi Fanfiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon