Chapter 34

762 57 25
                                    

JELAY POV

Maaga ako gumising para ako naman ang magluto para kay Kaori. Galit na galit siya sakin kagabi dahil sa pagnanakaw ko ng halik sa kanya.

Nakukunsensya naman talaga ako na nililihim ko sa kanya yun kaso wala akong lakas ng loob na umamin.

Tinawag ko si Ate Cha para magpatulong magluto..

"Paano ba ito Ate?" tanong ko sa kanya. Kahit paggamit ng rice cooker ay di ako marunong.

Ngayon ko naiisip nung nasa Condo ako na puro lang pala ako fastfood at unhealthy food.

Tinuturuan naman ako ni Ate Cha magsaing..

"Bakit po kayo gumagawa nito? May sakit po ba si Ma'am Kaori?" tanong ni Ate Cha.

"Hindi po.. Gusto ko lang bumawi, nagalit kasi siya sakin kagabi." sagot ko

"Naku! Baka may iba ka po at nagalit yun. Ang ganda nyo kasi kaya di malabong mangyari yun." kumunot naman noo ko sa komento ni Ate Cha.

"Ate naman! Kahit na sobrang ganda ko, hindi ko magagawa lokohin si Kaori. Mahal na mahal ko yun. Iba kinagalit nya sakin." sagot ko dito.

Ilang linggo ko na rin naamin sa sarili ko na mahal ko siya pero hindi ko pa nasasabi sa kanya pero siya, walang palya araw araw sinasabi na mahal nya ako.

Ewan ko ba, umuurong dila ko kapag sasabihin ko na.

"Aahh.. Mahal na mahal din naman po kayo ni Ma'am Kaori. Mapapatawad nya po kayo niyan pero baka masunog nyo po ang kusina" sagot nito sakin na napakamot ako ng ulo

"Magluto ka na lang po tapos papanuorin kita para sa sunod marunong na ako" suhisyon ko dito

"Pinagbawalan po ako ni Ma'am Kaori magluto ng walang pahintulot nya. May maganda akong suhisyon Ma'am!" nakangiting saad nito

"Ano?" takang tanong ko

"Timplahan nyo po siya ng Kape. Laging nagkakape yun pagkagising." napangiti naman ako sa sinabi nito.

"Yan! Kayang kaya ko yan Ate. Sige!" pag-sang ayon ko.

"Sige Ma'am. Mag lilinis na ako. Wag nyo po susunugin ang kusina baka parehas tayo mapagalitan ni Ma'am Kaori" paalala nito sakin.

"Opo. Hehe" sagot ko dito at sinimulan na ang pagtitimpla ng kape ni Kaori.

Pagkatapos mag timpla ay hinatid ko ito kay Kaori sa kwarto..

"Love.. Wake up" mahina ko siyang niyugyog.

"Jelay, maaga pa. Let me sleep." sagot nya at tumalikod sa gawi ko.

"Love, lalamig na ang kape.." bulong ko sa kanya.

"Kape?" takang tanong nya.

"Pinagtimpla kita ng kape, Love." nakangiting saad ko.

Mabilis naman siyang naupo at humarap sa akin habang nakasandal sa headboard.

Inabot ko sa kanya ang kape at naupo sa tabi nya.

"Ikaw nagtimpla nito?" nangingiti na tanong nya kaya tumango ako.

Inaabangan ko reaction ng muka nya..

*Caugh *Caugh

"Jelay! Napaka tamis" nauubong saad nya. Kaya hinimas ko ang likod nya.

"Ayos ka lang, Love?" tumango tango naman siya. Inabutan ko siya ng tissue at tinikman ko ang kape. Sakto lang naman ang tamis para sakin.

"Bakit mo ininom?" tanong nya sakin.

The Other Side (JelRi Fanfiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon