Chapter 10

947 59 7
                                    

KAORI POV

Sakit ng ulo ko. Exam na kaninang umaga exam pa rin ngayong hapon..

Nakatungo lang ako sa lamesa ng matapos ang exam. Di naman talaga ako nahirapan sagotan ang kaso nakaka drain pa rin ng lakas mag-isip.

"Kaori, di ka pa ba sasabay samin ni Gian pauwi?" narinig kong tanong ni Missy..

"Mauna na kayo Missy.." sagot ko sa kanya na hindi inaangat ang ulo..

Hindi naman siya sumagot kaya akala ko nakaalis na sya.. Naramdaman ko naman na sinundot sundot nya braso ko..

"Mauna na nga kayo.. Papahinga lang ako" hindi naman siya sumagot.. Siguro tuloyan ng lumabas.

Naramdaman ko ang pag-hila nya ng upuan patabi sa akin.. Hindi ko na lang siya pinansin. Ganyan talaga minsan si Missy mapilit.

Ilang minuto din ang lumipas.. Naka-idlip ata ako.. Bumaling ako kay Missy. Nagbabasa siya ng libro.

"Sabi ko sayo mauna na kayo e.." sabihin ko sa kanya.

My mouth literally drop when the person beside me put down her book..
Naka taas ang isang kilay nyang nakatingin sakin..

"K-kanina ka pa dito?"

"What do you think, Love?" walang emosyong tanong nya at muling nagbasa ng libro..

"S-sorry.. Hinintay mo ba ako?" hindi ko alam ang sasabihin sa kanya. Nahihiya ako.

"Okay lang.. Matutulog ka pa ba o gusto mong umuwi na tayo?" gusto kong umuwi na pero mas gusto kita hehehe

"Uwi na tayo baka hinahanap na tayo ni Dale." tumayo naman siya at binibit na ang kanyang libro..

Nauna siyang lumabas nagmadali naman akong sumunod sa kanya.
Binagalan nya ang lakad nya kaya sabay kaming naglalakad..

Pagod ata sya kakahintay sakin kasi di sya nagsasalita, madilim na rin pala..

Pagdating namin kay Lexus ay may lalaking nakatayo malapit dun. Siya yung lalaking nakita namin ni Missy na nakipag beso kay Jelay nung nakaraang araw.

"Jelay!" nakangiting bati nya kay Jelay pero di siya pinansin nito.

"Bakit hindi mo sinasagot mga tawag ko? Hindi ka nagpapakita sa akin." malungkot na tanong nito

"Look Mike--"

"It's Mark" pag correct ng lalaki sa kanya.

Boyfriend nya di nya alam pangalan?

"Whatever! can't you see? We're done" walang ganang sagot ni Jelay sa kanya

"B-but wala pang one week tayo.. Ano ba nagawa ko?" halos maiyak ng tanong nito pero di sya pinapansin ni Jelay

"Jelay, alam mo naman na mahal na mahal kita diba? Alam mo kung gaano mo ko napasaya ng pumayag kang maging tayo kahit alam kong panandalian lang." ang gwapo nito pero halos magmakaawa na kay Jelay.

Binuksan ni Jelay ang passenger seat nya..

"Sakay." simpleng sagot nito. Nakita ko na akmang sasakay si Kuya pero mabilis na sinara ni Jelay.

"Not you." madiing sabi ni Jelay dito.

"Love, sakay." muli nyang binuksan pinto ni Lexus at tinitigan ako.

Nahihiya akong sumakay dahil naaawa ako kay Kuya pero bago pa ako makapasok ay narinig ko pa sinabi nya.

"Ah, may bago ka na naman palang paglilibangan. Bagong papasayahin at iiwan sa ere." hindi pa rin siya pinansin ni Jelay at sumakay lang sa driver seat.

The Other Side (JelRi Fanfiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon