Chapter 35

689 53 19
                                    

Communication is key. Two people can be in the same relationship and yet see it in two different ways. Don’t assume your partner knows about everything you expect in a relationship. Let him/her know. A relationship should be based on communication, not on assumption.

Binalewala ko na lang ang mga narinig ko. Hinila ko si Lance papunta sa kinaroroon ni Jelay.
Nakita ko siyang kinakasal sa iba.
Gusto kong sumigaw na itigil ang kasal! Mommy ng anak ko yan..

Kahit kasal-kasalan lang ay di matanggap ng sistema ko. Mapapakanta na lang talaga ako ng

Don't say yes, run away now

I'll meet you when you're out

Of the church at the back door

Don't wait or say a single vow

You need to hear me out"

And they said, "speak now

Bakit ba hindi pumasok sa isip ko na pagkakagulohan na naman si Jelay dito? Edi, sana hindi ko inapproved ang booth na ito.

"You may now kiss the bride" sabi ng pari-parian.

Yun naman kinangisi ko. Sa dalawang taon na sinusubaybayan ko si Jelay ay di na magtatapos ang kasal kasalan na ito. Hindi siya papahalik nuh. Hindi nagpapahawak sa iba si Jelay. Sa akin lang!

Nagulat ako ng tumango si Jelay sa kaharap nyang lalaki at nagpahalik sa pisnge.

Tang ina lang! Mapapamura na lang talaga ako.

Nagpahalik si Jelay! Ang swerte ni Kuya Kurt

Baka gusto siya ni Jelay.

May chemistry!

Uwian na! May nanalo na.

"Wow! Nagpahalik si Jelay" di rin makapaniwalang turan ng katabi ko.

Ang sakit sakit lang.
Nakita ko na may nag-aya din kay Jelay sa dating booth at pinaunlakan niya naman ito.

Humanda ka sakin mamaya sa bahay!
Nanggagalaiti na saad ko sa isip ko.
Magpakasaya lang kayo kay Jelay ngayon! Hindi ko papayagan pumunta yan dito bukas.

Niyaya ko na si Lance bumalik sa booth namin.
Nawala na ako sa mood.
Pinapanuod ko ang mga taong di magkanda-ugaga kay Jelay.

"Grabe! Ang swerte ng Marriage at Dating booth. Game na game si Jelay ngayon. Ang laki na siguro ng kita nila." komento ni Tan.

"Diba Kao close kayo ni Jelay? Ayain mo naman siya dito.." suhisyon sakin ni Yen na kinataas ng kilay ko.

"Gusto mo bang makapatay ako?" iritang tanong ko kay Yen.

Tumawa naman si Lance sa sinabi ko.

"You like her that much ha? Pero di ka naman ata nya gusto" sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Bweset ka kasi! Kung wala ka sa tabi ko, siya sana nasa tabi ko ngayon at hindi siya malalapitan ng mga mahaharot na nilalang." naiinis na baling ko sa kanya.

"Ako na nga nag bayad ng malaki para makasama ka tapos sinusungitan mo pa ako." inirapan ko lang siya sa sinabi nya parang utang na loob ko pang binweset nya ako..

Tumungo na lang ako. Nasakit ulo ko sa stress. Iisipin ko na lang ano gagawin ko kay Jelay mamaya pagdating sa bahay.

"O my ghad! Papunta si Jelay dito! Five thousand para matali sakin si Jelay!" kinikilig na turan ni Ella kaya napaangat ako ng ulo.

The Other Side (JelRi Fanfiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon