Chapter 11

909 60 13
                                    

KAORI POV

Napalingon ako sa likod ko.. Ang ganda pala ni Jelay kahit naka specs?

Nagbabasa kasi siya ng libro tapos natutulog si Dale sa may dibdib nya..

"Matutulog ka na ba?" biglang tanong nya sa akin.

Ramdam nya bang nakatingin ako?

"Oo, sana.." sagot ko sa kanya. Inaantok na rin kasi talaga ako. Wala naman akong pasok bukas kaya pwede akong mag-aral pa bukas.

"Hatid ko lang si Dale sa kwarto nya" ani nito. Nilapag nya ang libro sa bed side table at dahan dahan kinarga si Dale.

Tulog na tulog naman itong yumakap sa leeg nya..

"Teka lang.." awat ko sa kanya ng palabas na sya ng pinto..

Lumapit ako kay Dale at dahil nakasiksik ang muka niya sa leeg ni Jelay ay ang lapit ng muka ko kay Jelay ng halikan ko si Dale.

Nakatitig lang sya sakin kaya nginitian ko na lang sya..

"Sige na.. Hatid mo na sya." nakangiting saad ko pa rin. Pakiramdam ko kasi di na kumpleto tulog ko kapag hindi ko nahahalikan si Dale bago matulog.

Lumabas naman siya ng kwarto. Hinubad ko na ang salamin ko.
Inayos ko rin ang kama namin at nahiga na ako sa pwesto. Pangalawang araw na katabi ko siya matulog hehehe

Ilang sandali lang ay narinig ko na pagpatay ng ilaw. Naramdaman ko rin ang pagtabi nya sa akin.. Nakapikit na kasi ako at nakatalikod sa gawi nya..

"Love.." tinatawag nya ba ako?

"Uy, Ms. President!" lilingonin ko ba sya?

"Kaori!!" malakas na tawag nya sakin..

"B-bakit?" feeling ko namumula na ako..

"Harap ka sakin.." hala, bakit nya ako pinapaharap?

Dahan dahan akong humarap sa kanya..
Ngumiti naman siya sakin.

"Ilan ito?" tanong nya sakin na nakapeace sign.. Gusto kong matawa.

"Kung ilang daliri? Dalawa but if the V symbol in roman numerals, it's 5." nakangiting sagot ko sa kanya. Hindi ko maiwasang ngumiti kapag nakikita siya e.

"Ang galing! Nakikita mo?" parang batang tanong nito

"Naman! Malabo lang mata ko pero di ako bulag.." porket di ako nakasalamin tingin nya ata di na ako nakakakita. Hahaha

"Antok ka na ba?" pag-iiba nya ng usapan. Sa totoo lang, inaantok na talaga ko pero dahil sa bilis ng tibok ng puso ko hindi ata ako makakatulog.

"Hindi pa naman." pagsisinungaling ko.

"Kwentuhan mo ko.." mas tinitigan ko lang sya dahil sa sinabi nya.

"Tungkol saan?" tanong ko sa kanya..

"Kung kelan mo ko unang nagustohan, paano mo ko nagustohan, ano mga nagustohan mo sakin. Hehehe" gusto kong paloin sya ng unan sa pagiging sobrang conceited nya!

Seryoso ba sya sa mga tanong nya?

"I want to feel love.. Gustong gusto ko yung pakiramdam na may humahanga sa akin. Yung pakiramdam na kamahal mahal naman pala ako. Yung walang kulang sa akin, walang mali." sumeryoso naman ang muka nya..

May halong lungkot ang kanyang mga mata.. Malinaw ko namang nakikita ito dahil ilang pulgada lang layo nya sa akin..

I took a deep sigh and made myself drown in her gaze..

The Other Side (JelRi Fanfiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon